44. Harris

11 0 0
                                    


Kristeena Abegaile

  

NUNG TANGHALIAN ay tumila na rin ang ulan kaya't naisipan kong dalhan ang guards ng pagkain. Kawawa naman. Lalo na si Loui baka mamayat.

"Yes! Mga tol si K andyan na sa labas!" At nagsilabasan ang mga ugok.

"Mmm, bango ah." Si Oscar ay mukhang kakagising lang.

"Uh, k-kumain ka na po?" tanong ni Gerard nang makalapit. Tumango ako. Ngumiti siya at kinuha ang plato na puno ng pagkain.

Kumain na rin sila. Tumambay ako sa may hagdan sa tapat ng pinto ng bahay ni Harris at inantay sila matapos. Mga 30 mins siguro silang nagtagal. Nagbasa muna ako ng aklat habang pinapakinggan ang pagbagsak ng ulan sa labas.

Hays. Nag komplikado naman nitong panahon. Iinit tapos biglang uulan.

"Gerard!!" Agad akong napatayo nang marining yun. Lumabas ako at naabutan si Gerard na nasa sahig sa gitna ng ulan at pinalilibutan nila.

"Hoy! Anong nangyari sayong bata ka?!" agad kong tanong.

Dumaing ito. "Argh, a-ang sakit!" anito.

"Saan ang masakit?" Parang kapatid na rin ang turing ko dito jusko! "Tngna, ano ba kasing nangyari sayo?"

"N-Na fall po ako... nafalling in love with you." Nang sinabi niya yun ay piningot ko siya.

"Pota kang bata ka, kala mo nakakatuwa?! Ha?"

"Aray aray! Opo, sorry, aray, bitaw naaa!"

Natawa sila. "Oh dahil andito ka na rin K, samahan mo na kaming maligo ng ulan! HAHAHA!" At binasa ako ng mga gago.

"Shit talaga kayooo!"

---

Tapos na akong maglinis at maglaba matapos kong maligo at magpatuyo.

Hays. Loko loko talaga yung mga guard na yun piste. Kung andun lang si kuya Dev nun siguradong pinagalitan na sila.

I did everything kaya't nagpahinga na muna ako. Medyo hindi rin kasi maganda ang pakiramdam ko.

I kept on coughing and coughing. Feeling ko magkakasakit ako. Tngna pag nagkasakit ako. Mas mahihirapan akong magtrabaho. Ligo ligo pa kasi! Yan tuloy.

Nakaupo ako't kinakapa ang init ng noo ko nang pumasok si Harris sa bahay. Medyo maaga siya ngayon ah. By the way, anong oras na ba ito?

Sandali ako nanuod ng TV. Matapos ang ilang oras ay may bumukas ng pinto.

"Kristeena," bati niya sa akin at inilapag ang case niyang dala sa may mesa. Niluwagan niya rin ang tie niya kaya't medyo umiwas ako ng tingin.

"Sir," bati ko pabalik. "Uhm, kumain na po kayo?"

Umiling siya. "I was too busy to eat."

Tumayo ako. "Maghahain po ako." Pero sa bigla kong pagtayo ay bahagyang umikot ang mundo ko at nandilim.

Namalayan ko na lang na mabilis na inabot ni Harris ang katawan ko bago ako matumba.

"Okay ka lang?" tanong nito. Dahil sa naramdaman kong init mula sa bisig niya, lumayo ako.

"A-Ah, oo, okay lang po ako. S-Sige na, maghahain na po ako."

"Mainit ka."

"Wala 'yan. Ganyan lang po talaga yung katawan ko."

Pero di niya ako binitawan. "You're sick. Let's get you to bed. Kailangan mo na magpahinga."

"Kaya ko pa," I insisted. Being in the same room with him, that would just complicates my feelings for him. And I don't want that.

"Your body says otherwise," pag pilit niya. "Kapag pagod na, 'wag na ipilit, Kristeena. Resting won't do you any harm."

Hindi na ako nagsalita at hinayaan siyang igaya ako papunta sa kwarto. Naglakad kami. I sighed. Karupukan na naman, Kristeena. Ayan ka na naman.

Mukhang hindi na talaga 'to mapipigilan kahit anong sabihin ko. He's just too stubborn.

Marahan niya akong hiniga sa kama. Mas naramdaman ko ang hilo at pagod nun. I groaned and closed my eyes.

"I'll just get you a towel and a warm water. Magpunas ka muna."

"Wait---" Lumabas siya at hindi na ako pinakinggan.

Pumikit ako saglit. Maya maya pa ay narinig kong bumalik siya. "Five minutes pa bago kumulo ang tubig."

"Hindi na kasi kailangan e. Ang kulit," bulong ko.

Naghila siya ng upuan sa tabi ng kama ko. "Ikaw ang makulit."

"Kumain ka na dun, sir. Ako na bahala sa sarili ko."

"No." Kumuha siya ng pocketbook sa isa sa mga drawers at nagsimulang magbasa.

"You're into reading?" Saglit siyang tumingin bago tumango.

"I am," sagot niya. Wow. It's rare for guys to like books. Ang mga kakilala ko kasi, more into sports.

"Who's your favorite author?" pag uusisa ko. "Quit the small talk, Kris!" I tried telling my self. Pero wala e. Matigas din ulo ko.

Tumigil siya uli at tumingin sa akin. "Uh... Nicholas Sparks," nag aalangan niyang sagot. "And John Greene and also John Grisham, oh and also Ransom Riggs. Marami but I can't possibly name all of them."

"Bookworm," tukso ko.

Sinara niya ang libro. "May sakit ka pero ang ingay mo."

"Sabi ko kasi sayo wala akong sakit e."

"Meron. Stop arguing."

Nagtaray ako. "Bahala ka dyan."

Maya-maya pa ay nakita ko siyang tumayo at lumabas. Pagbalik nito ay meron na siyang dalang towel, tshirt, at plangganang may tubig.

Lumapit siya sa tabi ko at binasa ng maligamgam na tubig ang towel. Ipinunas niya 'yun sa akin. "Ako na," I insisted. Pero di siya tumigil.

Pinunasan niya ang mukha ko, braso binti at paa. "Strip," utos nito nang matapos sa pagpupunas.

Agad kong inangat ang kumot sa katawan ko. "With you here? No way."

"Alam nating pareho na wala ka nang maitatago sa akin. Now strip, Kristeena. Or I'll do it myself." And he sounds so serious.

Nag init ang mukha ko at dahan dahang inangat ang damit ko. "What a tease," bulong nito na hindi ko pinansin.

Inabot niya ang tshirt at agad ko itong sinuot. "Okay na, pwede ka na umalis." Hindi ito tumayo.

"Kumain ka na?" Tumango ako. Naglabas siya ng tubig at gamot. "Good. Then, drink this. Para okay ka na bukas."

Kinuha ko ito at ininom. "Sige na." Tumayo siya at paalis na. "Harris... thank you," pabulong kong sabi.

Tumigil siya. "You're welcome."

"Ah, Harris..." tawag ko uli dito. Bakit ko ba sya tinatawag? Pota, ano na Kristeena?

Humarap ito. "Yes?"

"Wala wala. Sige na. Goodnight."

"Goodnight, Kristeena." At tumalikod uli ito para umalis.

Shit, paalis na siya! Argh! "Harris," tinawag ko siya sa bago pa siya makalabas ng pinto. Ano ba, Kristeena?!

Tumingin siya sa akin. I looked down. Nakita ko na lang siyang lumapit at tumabi sa akin. "If I kiss you, will you sleep then?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "H-Hoy, hindi 'yun---" and he did kissed me. Quick but sweet.

"Sleep now, Kristeena." At pinatay na niya ang ilaw at umalis.

Faking DelaysWhere stories live. Discover now