“Jacob? Nandiyan ka pa ba? Paabot naman noong damit ko!” I shouted in my room, peeping at the bathroom door.
Nasaan na ba 'yon?
“Jac? Bakl... wala na yata siya,” sabi ko bago tuluyang lumabas ng bathroom.
Ayt, 'yung towel nasa loob. Hayaan na nga, waley naman si bakla. Sigurado namang nakikigulo na 'yon doon sa apat.
“Saan ko nga ba naiwan 'yon?” Sabi ko habang hinahanap 'yung damit ko.
“There you are.”
Shocks! Naalala ko na naman 'yung nangyari kanina. Oh my, oh my! Nakitaan ko si Jac! Shit, shit, shit! Forget it. Erase that on my mind! Ugg! I'm on my way back to the bathroom when I heard the door of my room shuts and I swiftly look into it. Geez, what was that? Wala naman sigurong naninilip na multo, ano? Hindi ko na lang ito pinansin at pumasok na.
“Teka, tanghali na, bakit parang tulog pa 'yung mga babaeng 'yon?” Bulong ko sa sarili nang maalalang si Chezca pa lang ang nakita kong gising.
Lumabas agad ako ng bathroom matapos magbihis. Lalabas na sana ako ng kwarto nang may maalala ako, nakalimutan kong magpabango. Hihi!
“Diane!”
“Oh?” Mabilis na napaharap ako sa tumawag na si Chezca, “Makasigaw naman 'to, bakit ba?” Tanong ko habang nagpapabango.
“'Wag mo namang ipaligo, ang tapang eh!” Aniya at nagtakip pa talaga ng ilong.
“Hindi ah! Ang bango nga, amuyin mo.”
Inilapit ko pa sa ilong niya 'yung perfume bottle at agad naman itong lumayo, “Tss, arte mo. Parang pareho lang naman tayo ng pabango.”
Inilapag ko na lang 'yung pabango ko sa dresser nang makalabas na.
“Ibang kulay 'yung akin,” sabi pa nito at inirapan ko na lang siya.
Ewan ko ba sa babaeng ito, hindi naman siya nababahuan dati pero ngayon... kung makaarte eh... tss!
“Tagal-tagal mo kasi, nakakaloka ka raw,” ika nito maya-maya habang nakapulupot sa braso ko.
“Excited? Parang tayo pa nga lang ang gising.”
“Nakaligo na kaming lahat at ikaw na lang ang hinihintay. As usual.”
Agad naman akong napaharap sa kaniya at saka tinignan siya mula ulo hanggang paa.
“Nakaligo ka na niyan? Bilis ah, baka mamaya ay may libag pa 'yan. Ew!”
“Ang bastos mo ngayon!” Sigaw nito habang pababa kami ng hagdan sabay hampas sa balikat ko.
“Amuyin mo pa, mabango pa 'to sa ipinagmamalaki mong pabango.”
“Joke lang naman, sakit ah,” natatawa kong sabi.
“SM tayo!” Excited na bungad ni Martina pagkababa namin.
“Doon na rin tayo mag-brunch, pinag-day-off ko muna kasi sina manang,” dagdag ni Iris.
“Okay,” simpleng sagot ko.
“Wait, magko-commute lang tayo?"
"Shocks, dala nga pala nila dad 'yung van,” sabi ni Martina.
“Hindi naman tayo kasya sa kotse so—”
“We can use my car,” Jac suggests. “Kasya naman tayo, walang problema.”
“'Yun naman pala eh, tara na!” Kahit kailan talaga 'tong si Cara at Iris. Basta galaan, laging nangunguna. Pustahan, mauuna rin 'yan sa pagpasok ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Capturing Mine
Romance= Tempted Series 2 = I have never been in love. I have never felt love. I have never tried to love. But when I'm with him? I feel so love. Diane Fortalejo's story from Tempted Series. Note: Be open minded. Remember, Plagiarism is a Crime. © March 27...