Chapter 15: Water Scooter

398 24 1
                                    

Diane's POV

I snap my fingers, saying, “Beb, you are drooling.”

“Ew, no way!” he hissed as he shook his head.

Mabilis siyang pumasok sa bathroom at binangga pa talaga ako. Tss! I bet, na-sexy-han siya sa akin. Naglakad ako papunta sa kama at naupo. Malamang, I'll wait for beb. Sabay kaming lalabas. Mamaya, ma-rape pa siya, kawawa. Mawawalan ako ng crush nang wala sa oras — Oops! I got 99 problems singing bye, bye, bye. Hold up! Why are you singing? Am I? Hahaha, sorry, bigla ko kasing napindot 'yong play button ng song sa phone ko and of course, it played. Ang tagal naman ni beb. Ten minutes na yata akong nakaupo rito sa kama habang gumagamit ng phone.

“Hay!” Napabuntong hininga ako kasabay ng pagbagsak ko sa kama.

Pumikit ako for like a minute hanggang sa naramdaman kong may nakatingin sa akin. Ooh-lala! Ang yummy ng beb ko with his black swimming trunks. Cut it, baka ako naman ang maglaway.

“Nandiyan ka na pala,” sabi ko bago bumangon.

“Tara na ba?” Lumapit ako sa kaniya pero nakatulala lang siya sa akin.

Sabi ko sa inyo, bet ako ng beb ko eh. Hays, bet ko talaga siya, hindi lang talaga puwede.

“Hey,” hinawakan ko ang balikat niya.

Grabe talaga, ang yummy niya mga bakla! May abs siya, hindi fully formed pero makikita mo pa rin 'yong anim na kuwarto. Oo, kuwarto, hahahaha! Shush! Baka marinig niya, magalit pa siya, sabunutan tayo nang sabay-sabay. 'Wag niyo siyang aagawin sa akin, huh? Crush ko lang naman siya pero 'wag niyo pa ring aagawin.

“May sakit ka ba?” tanong ko.

“Huh?” tanong niya pabalik nang bigla siyang natauhan at saka lumayo sa akin nang kaunti. “Ahm, tara na, beb. I wanna get wet.”

Hinila niya na ako palabas ng cottage. Alam kong tinatawag nila akong childish, pero hindi ko maiwasang makaisip ng iba nang sabihin niya 'yon. Bad me, huhu, layuan niyo po ako, tukso!

“Hey, mga mumsh, magpalit na kayo, swimming na us!” sigaw niya kina Iris at Cara na picture nang picture.

Biglang bumalik ang sigla niya nang makalabas kami sa cottage. Sinaniban yata siya ng masamang ispirito sa loob eh.

“Sige lang, I'm enjoying the view pa,” Iris said as she took a picture of us.

“Alam ko namang magandang tanawin ako, pero hindi mo naman kailangang isama si Jac,” biro ko na nagpasama ng tingin niya sa akin.

“Yuck, ang sweet niyo lang kasing tingnan, saka, souvenir.”

“So, hindi ako maganda?” tanong niya bago binitawan ang kamay ko.

“I'm kidding,” I laughed. “Let's go na nga.”

Tatakbo na sana ako sa dagat nang biglang hilahin ni Jacob ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kaniya and give him a what-look.

“Wala ka man lang bang see-through? And seriously, may balak ka pang tumakbo nang ganiyan lang ang suot mo?” he inquired and I frowned.

“Beb, we are on an island and a beach. We are swimming tapos gusto mong mag-see-through ako, eh, huhubarin ko rin naman mamaya,” pagdadahilan ko.

He shook his head, looking away as he grunt in disbelief, “Gosh! Just... don't get too far from me.” Naglakad na siya papunta sa beach habang hila-hila ako, “Stay on my side.”

Eh? Paano ako mag-e-enjoy kung bubuntot ako nang bubuntot sa kaniya? What the heck? May gana pa talaga akong kiligin? I can feel my cheeks burning.

“Jac, bitawan mo nga ako, para tayong mag-jowa. Ayaw mo bang mag-boy hunting?” Pilit kong hinila ang kamay ko pero hindi niya binitawan. “Ano ka ba?”

Capturing MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon