Chapter 10: Life After Graduation

394 19 0
                                    

Diane's POV

Iris, Cara, Chezca, and I started our training in the company owned by the Fortalejos. Syempre, hindi porque anak kami ni Iris ng may-ari, may position na agad kami. We need to work things out para naman maranasan namin ang kung paano ang buhay sa ibaba. With that, we'll know how difficult the life of the subordinates could be. You know, respect. Kailangan ay hindi namin sila maliitin kasi tao rin sila. Iba-iba man tayo ng estado, pantay-pantay pa rin tayo na siyang nangangailangan ng respeto. I was cut from spacing out when my phone rang. I look at it and it was Jac who's calling.

“Yes?”

“Beb, where are you?” Bungad niya.

“Ahm, at the office. Saan pa ba ako pupunta?” Sabi ko habang kunot-noong napatingin sa paligid kong maraming tao.

“I wanna eat, I'll fetch you there.” Lalong napakunot ang noo ko.

“I can't, beb. You know that I have a lot to do,” pagdadahilan ko. Totoo naman kasi. Palibhasa kasi siya ay Branch Manager na agad. That was what I am planning to apply the next sana after ng training at nang malaman ni bakla, ginaya ako. I rolled my eyes at the thought of remembering it.

“Beb naman eh, sige na, ipapaalam kita kay tito,” pangungulit pa nito sa malandutay niyang boses. Hay, kabaklaan talaga eh, ano?

“Whatever! Libre mo ah, wala akong pera.” And I ended the call.

Inayos ko ang table ko. Patapos na rin naman ako sa mga gawain ko kahit sa makalawa pa ang deadline ko kaya ayos lang naman siguro kung mag-e-early out ako. Almost 4:00 PM na rin naman at five ang out ko. Tatayo na sana ako para pumunta muna sa washroom at mag-ayos nang may magtakip ng mata ko.

“Jac,” I called out, removing his hands.

“Ano? Tara na?” Malawak na ngiti niya ang sumalubong sa akin.

“Nandito ka na agad? Wala pang 10 minutes since... whatever.” Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko kasi ganiyan naman siya palagi. Tatakas sa office niya, tatambay sa kung saan, magyaya sa kung saan.

“Wiwi lang ako, ipaalam mo na lang ako kay dad,” utos ko sa kaniya bago tuluyang tumayo.

Umupo siya sa swivel chair ko, “I have already did, so, please, pakibilisan because I am so starving.” Kasalanan ko? Sino bang maysabing daanan mo pa ako rito? If I know, may sinisilayan lang siyang gwapo.

Pumunta na lang ako sa washroom at naghilamos. Naglagay ng lipstick at inayos ang buhok ko. I have a lot of makeup collection at the mansion pero hindi ko trip mag-makeup. And whenever people asks, it speaks for itself. Collection nga kasi, 'di ba? Kung may manghingi, go. Kaysa naman mabulok pa sa katatago. Sayang lang.

Nagulat ako nang salubungin ako ni Andrew. Trainee rin siya rito. Matangkad siya, tamang-tama sa height ko. Gwapo, mabango, may sarili rin silang business at hindi ko alam kung bakit dito pa niya napiling mamalagi. Hindi ko naman pwedeng sabihin na kaya ba siya nandito ay dahil sinusundan niya ako, 'di ba? Ang assuming ko naman. Hindi porque nanliligaw 'yung tao ay pagkakamalan ko nang stalker.

“Hi!” He said beaming like he was an endorser of a toothpaste brand. Gwapo, mga mumsh!

“Hi! Magsi-cr ka ba? Sige na, pasok ka na,” I said, giving way kasi nahaharangan ko ang pinto ng men's washroom.

“Nope, ahm, I just want to ask you out for dinner sana, if you are free...,” he bashfully said, rubbing his nape.

God, chance na 'to!

“Sur—”

“She can't.” Napatingin kami sa nagsalita sa tabi.

I see Andrew frowns, “I am not talking to you, I'm sorry.” Tumingin ulit siya sa akin, “Pwede ka ba?”

Capturing MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon