Chapter 16: Fire

577 19 0
                                    

Diane's POV

I smile bitterly as I remember what he say.

“Hold tight, beb, you can't fall.”

I grunt. Crush ko lang naman siya, hinding-hindi ako mafa-fall, 'no? Hindi ako dapat maapektuhan, and there is no way I would. Bestfriend ko siya, hindi rin naman ako obsessed sa kaniya. Hell, I am mad at him! Akala niya ba basta-basta ko na lang malilimutan 'yung ginawa niya? Sasabihin ko sa inyo, ang paasa niya sa part na 'yon. Alam ko, alam kong hahalikan niya ako kung hindi dumating si Matt. Hindi sa gusto kong halikan niya ako, napapaisip lang ako, bakit niya gagawin 'yon?

I shook my head as I walk towards Martina.

“Ano 'yon, mumsh? Pizza na naman?” Tanong ko sa kaniya. Nagtataka na kasi talaga ako. Bakit puro pizza ang request niya? Kabababa lang namin sa speedboat, paghahanapin na agad niya si Matthew ng pizza.

“Why? Para namang may bago,” she said and my eyebrow rises.

“Lasagna ang favorite mo, 'di ba? Had an amnesia?”

“Eh? Trip kong mag-pizza eh,” pagmamaktol niya.

I shook my head again. Now, she is the one who's childish.

“Where have you been?” Iris asked Jacob when he got off the speedboat.

Tiningnan niya kami ni Martina saka umalis. Tss, akala niya ba susundan ko siya? He wish! Wala akong ginagawang masama. Siya 'tong nanghihila na lang bigla, siya pa 'tong may ganang mag-inarte? Kababalik lang eh, naghahanap na agad ng gulo. Drama ng buhay niya.

Lumapit si Cara, “Nangyari doon?”

Sige, act strange, Jac, pagpatuloy mo 'yan nang mapag-trip-an na naman tayo.

“I don't know.... Ano nga ba ang nangyari, Diane?” Pinasa sa akin ni Martina ang hot seat.

Ano namang sasabihin ko?

“Malay ko.” Tinalikuran ko sila at muling pumunta sa tubig para lumangoy.

“Hey, high tide na!” Pananaway ni Cara sa akin.

“Mumsh, hindi ka ba natatakot? 'Di mo na kita 'yung katawan mo sa tubig oh. It's too dark! Creepy.” Eto, si Martina, kung kailan tumanda, saka pa lumala ang fear of water. Not literally the water — the sea, the ocean rather, parang si Chezca. Speaking of that woman, I miss her.

“Hindi ko pa nga nae-enjoy....” Nakasimangot akong umahon.

Ang aga pa naman eh, saka I know how to take care of myself. Tss.

“May bukas pa, Diane.” Napatingin ako sa nagsalitang si Jacob Mondragon na may dalang mga kahoy. Magsusunog siguro ng damo.

“Tsk!” Huwag mo nga akong kausapin, sapakin kita eh.

“Anong gagawin mo riyan, Jac?” Iris asks.

“Bonfire... let's get drunk.”

“Libre mo?”

“Sure, why not,” he answered, and look at Cara, basta alak eh.... Look, dinamay pa si Iris. Excited much?

“Oh, ayan na pala si Matt,” I said when I saw him coming.

“Taray, may pa-pizza si Papa Matthew,” pang-aasar ni Cara.

“Ano pa nga ba? Basta para sa princess niya,” natatawang sabi ko.

Tinabihan niya ang bebe niya. Ang sweet talaga ng dalawang 'to. Aw, sana lahat. Aist! Dapat talaga sinagot ko na lang si Andrew eh, but it would not be healthy. Hindi ko na siya ganoon kagusto, mga 75% na lang, hihi! 'Yung 25% kasi, napunta sa isa riyan sa tabi-tabi, bad trip. Hey, mind that I just have a little crush on him. Unlike to what I am feeling towards Andrew, I really like him. Oh, no! I miss that punk! Hindi ko na kasi siya pinapansin. Oh my gosh, I really miss him for real! Should I call him?

Capturing MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon