Chapter 14: Island Hopping

410 18 1
                                    

Jacob's POV

“Jacob?” tawag sa akin ng isang lalaki. His voice is very familiar that made me look at him immediately.

And I am right! Damn, my heartbeat. What to feel? Shock? Pain? Hindi ko alam. Nagulat ako nang malaman ko na may boyfriend na ulit si Martina, pero hindi ko alam ang dapat na maramdaman ko ngayong nakikita ko silang magkasama. Kahit ano pa lang gawin kong paraan para lang mapaglayo sila, sa huli, sila lang din pala talaga.

“Uy, Matt. Wh–What are you doing here?”

“You, what are you doing here? Akala ko ba ay pabalik ka na ng Manila?”

“Yeah, after this island hopping with my girlfriends.”

Wala na, sirang-sira na ang plano ko. Sila na, at alam kong gagawin ni Matthew ang lahat, 'wag lang silang magkahiwalay. Alam kong mahal na mahal niya ito simula pa noong college. Mas wala na akong pag-asa. Act like it's fine! Don't be dumb. Shit, this sight hurts. They fit!

“Wait, magkakilala kayo?” Takang tanong ni beb habang papalit-palit ang tingin sa amin ni Matt.

“Yes, he's my cousin,” he said.

I compose myself, “Yes, we are.”

Ang tanga ko. Dapat umpisa pa lang, hindi na ako nangialam. Ako lang din pala ang mahihirapan sa huli.

“Well, you have similarities though,” Cara pointed.

“Still, we didn't saw that coming,” Iris added.

“Let's go?” tanong ni Martina at sumang-ayon naman ang lahat.

Tss, hindi man lang niya ako niyakap. Mabuti pa sina Iris at Cara ay masayang nandito na ulit ako, lalo na itong si beb. G–Galit ba siya? Alam na kaya niya ang mga kalokohan ko? Hindi naman siguro. She looks at me as if she is trying to read my expression, but I am such a good actor. I can't let her notice that I am affected at all. I told her na naka-move on na ang baklang ito tapos bigla-bigla akong aarte na nasasaktan ako? No way, I don't wanna look fool. Kahit na inis na inis ako, itatago ko. Tsk, magso-sorry pa naman sana ako kay Matt, mukhang hindi na pala kailangan. I hate him!

“Why didn't you tell us na nakabalik ka na?” tanong ni Diane.

“Beb, I told you, may surprise sana ako sa inyo. Sayang, I did not had the chance to do it.”

Nakalulungkot. Argh, ang daming pangyayari ang dapat na ikalungkot ko ngayon, but I am seriously not that affected. Nanghihinayang ako sa mga pagkakataong pinalampas ko, pero hindi talaga eh, masaya pa rin ako. Teka, ano ba talaga?

“Ihhh!” Napatili ako nang para bang naiipit habang pilit na sumusubsob at pumupulupot sa braso ni Diane.

“Hey, I know you missed me, but you don't have to hide your excitement and rape my arm. You can kiss me if you want,” pang-aasar nito na agad namang nagpalayo sa akin mula sa pagkakayakap ko sa kaliwang braso niya.

Sinamaan ko muna siya ng tingin saka muling pumulupot dito, “I don't know, I wanna cuddle, and I am happy and sad and — Argh, I don't know talaga, beb!” Hinila-hila ko ang braso niya at agad niya naman akong pinitik sa ilong.

“Ouch, beb, what was that for? Huhu,” I asks, acting like I am totally hurt.

“You are crazy, own it.” She rolled her eyes, pulling her arm away from me.

“Heto naman eh, nami-miss kitaaa!” Hinila ko siya at iniyakap ang mga braso niya sa akin, “I need a hug, give me some.”

“Ikaw ah, ang clingy mo,” sabi niya pero niyakap din naman ako. Umaarte pa ang ate niyo eh.

Capturing MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon