Chapter 19: Gift

440 23 1
                                    

Jacob's POV

That talk with Martina made me even more confused. She is so gentle and sweet, and damn, I can say that I am still into her. Though, we all know that I can't, she is my cousin's girl, and I can't get into their way that easy. It's a matter of triumph and disaster.

“Puwede bang mag-english ka na lang lagi? You really look so hot when you do. Ang gwapo mo kaya! Tsk, sayang lang talaga.”

Me, speaking english, does that make me look manlier? Ugh, I should stop wondering. I have no plans of being a man again. It's scares me, you have to understand that. Hindi puwedeng maulit ang mga nangyari noon, I would never let it happen this time. Wala rin naman akong balak na manira ng relasyon, ano? Lalong-lalo na ang relasyon ng dalawang taong mahalaga sa akin... pero nasasaktan pa rin ako. Aaminin ko, binalak ko na talaga silang paglayuin nang maraming beses at hindi ako nagtagumpay. Look at them, sa isa't isa pa rin ang bagsak nila. Saklap, hindi ba? Ang saklap para sa isang nagmamahal na tulad ko. Nagmahal nang taong iba ang minamahal.

“What a nonsense feelings, Jacob?!” I hissed to myself.

Just think about what could possibly happen. I mean, Diane, will she accept my apology? Wala naman akong kasalanan eh, siya naman talaga itong.... Aish, breathe, Jacob, breathe!

“I miss my bestfriend.”

Diane's POV

“Is this really for me?” tanong ko sa isang crew ng restaurant na nag-abot sa akin ng ipinabibigay raw ni Jacob at tumango naman ito.

Ayaw ko pa sanang tanggapin, pinilit lang talaga ako nitong mga kaibigan ko. Kilig na kilig sila, akala naman talaga ay galing sa boyfriend ko. Kikiligin na rin sana ako eh, pero galing ito kay Jacob! Bakit niya naman ako bibigyan nito? Binigyan niya ako ng customized cake na medyo maliit. Heart-shaped siya na puro roses ang gilid. Too pretty na parang bouquet na cake na — Ano, Valentine's Day?

I am very sorry, my beb. I am at fault too. I miss you so much! I love you.”

Agh? I am not blaming him at all! God! Alam niya ang nangyari noong gabing iyon, malinaw sa kaniya, at alam niyang kasalanan ko. Ang manyak ko noong time na iyon at kasalanan ko talaga!!! Sa tingin niya, kaya ko pa siyang harapin nang walang ilangan matapos ang pangyayaring iyon? Nagalit din siya sa akin dahil sa ginawa kong iyon. I am certain, diring-diri siya sa ginawa ko. Now, nakikipag-ayos siya because he misses me? Kikiligin din sana ako sa I love you, 'yun nga lang, hindi ko naman siya jowa. I miss him too, pero nahihiya talaga ako. Habang tumatagal, mas naiisip ko ang kagaguhan kong iyon, at hiyang-hiya ako sa kaniya. Ako ang dapat na mag-sorry, but sorry too, hindi ko pa kaya.

“Oh, my fucking gosh! Ano ba talaga ang pinagkatampuhan niyo? Anong nangyari? Bakit may pag-I am at fault too? Bakit may pag-I love you?” sunod-sunod na tanong ni Iris.

“I told you, I am right, magiging sila rin and it happened now, at last! Bwahaha!” mala-demonyong saad naman ni Cara.

“Ano ba kayo? Kainin niyo na nga lang 'yan. Nakakataba 'yan, sa inyo na.”

“Kapag ito, inubos namin, huwag kang magmamaktol, huh?” Katakawan nitong si Cara, bahala siya.

I like Jac, he is my bestfriend — I love him, kaya nga sinusunod ko siya sa mga gusto niya, 'di ba? Kaya sinusunod ko ang mga sinasabi niyang huwag ito, huwag iyan, huwag siya — lahat! Gusto ko siya at ang tanga-tanga ko para gawin ang bagay na hindi ko naman talaga dapat na gawin dahil sa magkaibigan kami. Friends must be just friends, that should stay that way. Wow! Coming from me na nagkagusto sa kaniya. Oh, well, hindi ko naman kasi sinabing maging kami that time. Gustong-gusto ko lang talaga siya. Ginulo niya ako eh, not my fault.. Hinahangaan ko siya dahil mabait siya, gwapo, matalino at magaling makisama. At alam nilang lahat na mahilig ako sa mga gwapo, hindi sa naghahanap ako, kusa silang dumarating. Kaya nga gusto ko si Andrew, right? But Jac don't want me for him. For God damn's sake, Andrew is a great man. I like him a lot, but Jacob is confusing me as hell. He kissed me back! Lalaki na ba ulit siya? Puwede rin ba niya akong magustuhan?

Capturing MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon