Chapter 23: Cupid

387 17 3
                                    

“Sorry, Martina, pero kasi....” Should I continue this? Can I get this any further?

“Jac, ano bang sinasabi mo?”

“Ewan ko ba sa baklang 'to, mumsh, pinagpipilitan ba namang buntis ka.” Oh, what a great support I get from my bestfriend.

“Jusko, Diane ah, pagsabihan mo 'yang bakla mo at kung ano-anong naiisip!”

No, hindi ito kung ano-ano!

“Martina, seryoso ako.”

Tumabi ako sa kaniya nang mas maipunto ang dapat na maipunto.

Okay, fine. Hindi ko alam kung ano bang ipinaglalaban ko pero nandito na ako, aatras pa ba? Naumpisahan ko na eh.

“Hindi lang naman ako ang nakakapansin, ano, kahit sina Iris at Cara. Pati nga itong si Diane eh, ayaw pang umamin,” sabi ko saka sinamaan ng tingin itong kaibigan kong hindi man lang ako sinusuportahan.

So, what kung pinsan niya si Martina? Pinsan ko rin naman si Matthew ah, at sinabi niyang may napapansin din siyang kakaiba rito. Like... ahm, ano nga bang sinabi niya? Ah, basta may sinabi siya.

“Hoy, Jac! Manahimik ka nga. Oo, may napapansin ako pero hanggang doon lang 'yon. Wala na akong iba pang sinasabi,” she replied like confirming what's on my mind.

“Wait nga, ano ba 'tong napapansin niyo bukod sa kagandahan ko?”

“Eh, kasi, mumsh, ganito.... Palagi ka na lang nahihilo at nagsusuka, tapos ang saya-saya mo 'pag nakikita mo ako to the point na kung ano-ano nang gagawin mo sa akin tapos—”

“Teka nga, Jac,” itinaas niya ang kamay niya sa harap mismo ng mukha ko upang patigilin ako sa pagsasalita.

It's like I have said something wrong. Totoo namang ginagawa niya sa akin 'yon eh.

“Ang babaw mo ah. Anong mali sa pagiging masaya ko sa tuwing nakikita kita?”

Oh, yeah? Like, I should be happy? Noway, no way. Not anymore, not something like that. Oh, ano na namang pinaglalaban ko?!

“Ano namang mababaw roon, eh, ayan na nga oh...,” pagdadahilan ko pa.

Anong ayon? Gosh, I am being so unreal.

“Ano? May proof ka ba para masabing buntis ako?” She laugh at me, great.

“Itigil mo na kasi 'yang kabaliwan mo, Jac. Para kang abnormal,” pang-aasar naman ni Diane sa akin. “Pati ba naman si Matt ay ginambala mo ang nananahimik na isipan. You are scaring the hell out of them.”.

“No, Diane, Martina is darn pregnant!”

Bakit ba ayaw nilang maniwala? Oh, maybe because you ARE a doctor? Sige na, hindi na nga, but whatever, she is pregnant.

“Paano naman ako mabubuntis, Jac? Ano, Virgin Mary lang ang arte? Mabubuntis na lang, out of the blue?” She is laughing at that thought again, tss.

If I know, she's starting to panic deep inside of her that she's just laughing it all out in my face.

“Manahimik ka, Martina! Hindi ka na virgin.” I even pushed her a bit to slap her the word of being not virgin.

“Ang sakit noon ah! Grabe ka, bastos!” she said, hitting me back.

“Kunwari ka pa. 'Wag ka ngang painosente, para namang hindi ko alam,” I rolled my eyes.

“Oh? Paano mo nalaman? Nakita mo? Nahawakan mo? Kailan? Ikaw ah, may hidden desire ka pala sa akin, 'di mo sinasabi.”

She even get to kid around like that like something was not up before. Right, past is past. Act like nothing happened.

Capturing MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon