Chapter 7: El Nido

419 24 3
                                    

Jacob's POV

Agad na naayos ang mga kailangan namin for our travel to El Nido, Palawan. You know, connections. Mabilis din akong nakabili ng ticket sa tulong na rin ng grandparents ko. 'Yon nga lang, 2:00 AM ang flight namin. Ayos lang naman kasi handa na kaming lahat at sa halos 12 hours na byahe ay maaga-aga pa rin kaming makararating sa hotel kung saan kami mag-i-stay. Habang nasa byahe ay hindi nakaligtas sa kanila ang kaganapan sa amin ni Diane. Masyadong big deal sa kanila na buwan-buwan kaming nagse-celebrate ng friendsary namin. Ano bang problema, ayaw ba nila n'on, monthly kaming may party or bond together? I am putting lots of effort too when it comes to them. Hindi lang naman si Diane ang kaibigan ko rito, pati sila, pero ang tungkol sa aming dalawa lang lagi ang big deal. Daya! Lagi ko nga silang nireregaluhan eh.

“Sa susunod niyan, anniversary na as real couple,” sabi ni Iris na nagpaingay lalo sa kanila.

“Shh! Hindi natin solo 'tong plane. May mga natutulog na oh,” turo ko sa paligid.

“Uy, umiiwas,” sabi naman ni Cara.

“Bakit ba lagi niyo na lang kaming pinagti-trip-an? Mga bad kayoooo!” Diane beside me pouts, “Chezca, help!” Sumiksik siya kay Chezca na nasa side ng bintana.

Tumingin naman sa akin ito bago sa kanila, “We should sleep, kailangang magpahinga ng host para mas ma-accomodate niya tayo sa pupuntahan natin.”

“Yeah, you're right,” Martina on the other row beside me agreed.

Bakit ba ang ganda ng babaeng ito? In and out, wala akong masabi bukod sa masyado siyang maraming kalandian, silang magkapatid. Yet I am thankful kasi alam kong hanggang doon lang 'yon. Ayaw nga nilang mag-boyfriend eh, unless makapagtapos sila. Isang taon pa ang hihintayin ko sa kaniya.

“Tss.” Napailing ako sa sarili kong naiisip.

Wala kaming ginawa kun'di ang matulog, kumain at magkulitan buong byahe. Dalawang oras na lang ang natitira at bababa na kami ng eroplano. Tulog 'yung apat at tanging kami lang ni Chezca na kumakain na naman ang gising.

“Jac,” tawag nito sa akin maya-maya, “Let's talk.”

Tumayo ito at sumunod naman ako. Doon kami pumunta sa bandang washroom at nang marating namin ito ay hinarap niya ako.

“What is it?”

“Meron pa rin ba?” she asked that made my eyebrow rise. “I mean, kay Tin. May feelings ka pa rin ba kay Martina?”

Nagulat naman ako sa sinabi niya at napalingon sa gawi nila bago siya muling hinarap. Mayroon pa, Chezca. Hindi pa ako nag-uumpisa kaya hindi pa ako maaaring sumuko. She really is monitoring my feelings.

“What urges you to ask?”

“Jacob, si Diane,” she said and I frown.

“What's up with her? Bakit siya nasali rito?”

“Be sensitive, Jac. Mag-best friend kayo, oo, kaibigan mo rin kami pero sa closeness niyo ni Diane, hindi malabong mahulog siya sa'yo. Lalo na sa mga ipinakikita mo.”

“Chezca, as what you have said, we are best friends. Natural lang na gawin ko ang mga dapat kong gawin bilang kaibigan niya, kaibigan niyo. Anong gusto mong gawin ko? At saka, hindi mahuhulog sa akin ang best friend ko kasi alam niyang bakla ako,” I exclaimed.

“Sana nga, Jac. I should be thankful that Diane is not that mature to think of someone attractive as a man.”

“Sandali nga, sino ba talagang inaalala mo? Si Diane o si Martina? May galit ka ba sa akin? Para kasing takot na takot kang mapun—”

Capturing MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon