Chapter 9: The Cousins

383 16 0
                                    

Niyaya ako ni Matthew na mag-movie marathon sa mansion ng mga Mondragon. Syempre, kasama namin sina grandma and grandpa na manood, bahay nila ito eh. Minsan na lang din naman kami makapunta rito kaya pumayag ako at nami-miss ko na ang mga ito. Ang bilis din ng panahon. Akalain niyo 'yon, dalawang taon na agad ang nakalipas at isang buwan na lang ay gra-graduate na kami ng college? Bukod lang kay Martina dahil Accountancy ang kinuha niya na may isang taon pang natitira.

“Wala ba kayong ipakikilala sa amin, mga apo?” Tanong ni grandma, “Hindi naman namin kayo pinagbabawalan pero mula noong nakipaghiwalay itong si Jacob sa dating kasintahan ay hindi na nasundan.”

“Grandma naman, let's not mention the past,” I said.

“I'm sorry, hijo,” tinawanan ako ni grandma, “Etong grandpa niyo kasi, naghahanap ng panibagong apo.”

“Bakit kasi puro lalaki ang mga ginagawa ng Mondragon eh, wala tuloy naglalambing sa atin na babae,” sabi naman ni Grandpa.

“Don't worry, grandpa, bibigyan namin kayo ni Jacob ng babaeng apo sa tuhod,” sabi naman ni Matt.

“'Wag mo na akong idamay, Matty, ako na ang babaeng apo na hinahanap ni grandpa,” I said.

“Jacob, hindi ka bakla. I am telling you, magdadala ka ng babae rito,” my grandpa smiles mischievously.

Napailing na lang ako nang tawanan nila ako. Hindi ko rin mapigilan ang mapangiti nang maisip na si Martina ang babaeng ihaharap ko sa kanila. But how can I? Ni hindi ko nga masabi sa kaniya na mahal ko na siya.

“Ano ba kasing nangyari sa inyo Rhian, apo?” Nawala naman ang ngiti ko nang tanungin ako ni grandma.

“Grandma, please,” pagmamakaawa ko.

“Fine! Anyway, matagal na rin naman iyon and I am certain na mas desente, maganda at matalino pa ang dadalhin niyo,” she said.

Hindi magandang patuloy na pag-usapan ang nakaraan lalo na kung ang pag-uusapan ay ang mga walang kakuwenta-kuwentang tao. Hindi ako bitter, mga sis. In fact, naka-move on na ako sa babaeng iyon at may bago na ako. Shh lang kayo ah, pero nagkatotoo ang sinabi ng mga babaita kong kaibigan. Nakakainis mang aminin pero oo, nahulog nga ako sa isa sa kanila. At hindi maaari ito! Binalaan niya ako at nangako ako sa kaniya na hindi nga ako mahuhulog. Waaaah! Washak na shi heart! Huhuhu! Martinaaaa! Ano ba ang ginawa mo sa malambot kong puso? Pinatigas mo — hoy, sandali. Puso ba talaga ang tumigas sa'yo? Tsk, 'wag ka ngang bastos! Paano ko kaya masasabi sa kaniya? Parang hindi kakayanin ng puso ko kapag hindi ko nailabas ito. Lahat-lahat naman ay naikwento ko na kay Diane, maliban lang sa nararamdaman ko sa pinsan niya. Nahihiya ako. Ang harot naman kasi ni Matty eh, lagi akong sine-seduce without her noticing it. She's not trying hard, it comes naturally to her — being an Aphrodite of anybody.

“Jacob, I need to talk to you,” my cousin Matty said after the movie.

Sumunod ako sa kaniya papunta sa balcony ng mansion. Gusto ko sanang makipagkulitan sa kaniya kaso mukhang seryoso siya kaya sa susunod na lang.

“What is it, Matty?”

Huminga siya nang malalim saka ako hinarap, “I really like Martina,” he said directly that made me startle a bit.

“M–Matt....”

Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Kasi naman, hindi pa nga ako nag-uumpisa, may kaagaw na agad ako? Pinsan ko pa. Alam ko naman na siya ang mysterious guy na hinahanap ni Martina pero mas nakakabahala ngayong inamin niya na ito sa akin. Alam ko kasing mas magpupursigi pa siya para lang makalapit nang malaya sa babaeng gusto niya na gusto ko rin.

“How? Kailan pa? Paano mo siya nakilala?” Kunwari ay wala akong alam. May kasalanan din ako sa kaniya, at nagi-guilty ako!

Humarap siya sa frontyard, “Since first year.” Shit! Naunahan pa pala niya ako!

Capturing MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon