Chapter 12: Hellos & Goodbyes

427 24 1
                                    

Jacob's POV

Malapit na ang birthday ni beb, malapit na rin akong umalis. Hay, kung ako lang, syempre, mas pipiliin kong manatili rito sa Philippines. Nandito na ang buhay ko sa loob ng labing walong taon. Not that I am just an 18-year-old teenager, I am twenty three already. The first five years of my life had been spent in San Francisco before. Dito ako lumaki at nagkaisip, dito ako nakaranas ng hirap at sarap. Dito ako naging ganap na lalaki, dito ako nagkaroon ng isang desisyon na habang buhay kong pagsisisihan. Dito ako namulat sa mga bagay na makamundo, dito ako nagkamali at natuto. Dito ko rin naayos ang sarili ko at tuluyang nabago. I've change for the better like what everybody else were saying. I've encountered different people here, my childhood squad, those punk dudes I have, my partners in crime. Nakilala ko si Diane... she's too nice and I fell in love with her different sides, her bubbly, fun and crazy sides, lahat ng tungkol sa kaniya. She's a great friend. Totoo siya, hindi tulad ng iba, ang aarte nila. In an instant, nakilala ko rin si Martina na muling nagpabalik ng mala-adonis na ako. Hindi man kami laging nagkakasama dahil sa busy pa siya sa review for her board examination, hindi nawawala ang nararamdaman ko para sa kaniya. Franchezca, Iris, at Cara, they're the best! Lagi silang nandiyan para sa akin, hindi sila nakalilimot sa mga paalala nila sa lahat ng bagay. Sa mga paalala nilang delikado para sa pagkakaibigan namin ang magkagusto ako sa isa sa kanila. Kaya nga si Chezca lang ang nakaaalam eh, ayaw kong sabihin sa kanila na may nararamdaman ako para kay Martina dahil baka mag-iba ang tingin nila. Oo nga, pinipilit nilang hindi magtatagal ay magiging lalaki ulit ako, pero alam naman nating iba pa rin 'pag nangyari na talaga, 'di ba? Parang high school going to college lang 'yan, culture shock kumbaga? Aist, pero 'yung totoo, mami-miss ko talaga sila! They've helped me cope. Apat na taon, nakilala ko sila at hindi ko kakayanin kung dumating ang araw na babalik ako rito sa Pilipinas nang hindi na nila ako papansinin. That hurt like shit, people. Kailangan ko nang sabihin sa kanila ang tungkol sa pag-alis ko patungong San Francisco. Kinabukasan kasi matapos ang birthday ni Diane ay aalis na ako, so sad. Oh, my gosh, naiiyak akooo, masisira ang beauty ko! Ilang araw na lang oh, birthday na ni beb at aalis na ako. Wala na akong kukulitin pagdating ko roon, huhu! Sakit-sakit puso ni Jacobeb!

“Hi, Jacobabe! Mwah!” bati ni Martina sabay kiss sa cheeks ko nang matunog.

Isa pa ito, pinasasakit din niya lalo ang puso ni Jacobabe. Naiiyak na naman ako. Ang dami ko talagang maiiwan dito.

“Hi, Jac!” bati rin ng kambal niyang si Iris.

Umupo sila sa tabi ko saka napatingin sa mga paparating.

“Oh, ito na pala sina Chezca eh.”

“What is up?” tanong ni Cara bago naupo. “Wait, where is Diane?”

“Yeah, hindi ba kayo magkasabay ng jowa mo?” tanong ni Iris sa akin.

I pouted my lips before I shook my head. Ito, isa 'yan sa mga mami-miss ko kina Iris at Cara. Sila kasing dalawa ang mahilig mang-asar sa amin ni Diane, sobrang lakas. Mukhang tatahimik talaga ang buhay ko sa mga oras na wala sila.

“Mumsh, here!” kaway ni Chezca kay Diane.

Agad naman itong ngumiti bago humarap sa likod niya — Fuck that Andrew. Why are they together? She kissed Diane! Anong karapatan niyang halikan si beb? At hindi ko alam kung sa lips ba iyon kasi nakatalikod si Diane at natatakpan niya ang lalaking iyon! Sila na ba? What the heck? Hindi malabong mangyari 'yon dahil matagal nang nanliligaw si Andrew sa kaniya. Tsk, pasalamat sila at hindi na ako nangialam. Bad trip!

“Something new? Anong ganap at manlilibre ka, beb?” tanong niya nang makaupo sa upuan na kaharap ko.

Gan'on na lang 'yon? Parang hindi mo kasama ang Andrew na iyon ah! Hmp, whatever.

Capturing MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon