Gusto ko sanang magkaroon ng bagong experience sa kiss, at nangyari naman. 'Yun nga lang, si Martina ang gusto kong kasalo sa mainit na halikang iyon. Oh, this is not Jac — this is Jacob Mondragon. I am obsess with her. So. So. So much.
Sandali, paano ba ako umabot sa ganito? Basta, isang araw, nalaman kong si Matthew pala ang nagpapadala ng mga paboritong bulaklak ni Martina. Gustong-gusto siyang makilala nito pero hindi ko hinayaang mangyari 'yon. Ewan ko, nagselos na ako eh. 'Yun bang dapat ako lang? Ang sakit kasi sa mata na makita mong masaya nga siya pero hindi dahil sa'yo kun'di dahil sa ibang tao. Worst, pinsan ko pa. I tried everything, masiraan ko lang sila sa isa't isa. I am pushing Matt away without him noticing my purpose. Martina, sinasabi kong galing ang mga 'yon sa manliligaw niyang walang ngipin. O kaya naman ay sa bad boy, bad breath, or kahit na anong klaseng paninira, huwag lang niyang pagtuunan ng pansin si Matt. Nagiging interesado kasi siya rito. Hindi pwede. No.
“Hoy, bakla, maya-maya pa ang bagong taon pero daig mo pa ang nasabugan ang fireworks sa mukha kung makabusangot. Problema mo?” Pagpansin ni Cara sa akin.
“Tulungan mo kaya kami kaysa nag-e-emote ka riyan,” sabi naman ni Chezca.
Lahat kasi sila ay busy sa pag-aayos ng makakain namin dito sa cottage malapit sa dagat. Habang ako, nakatunganga rito sa tabi. Dito namin napiling pumuwesto para syempre, kitang-kita ang mga fireworks mamaya. May surprise kasi ako sa girls.
“Jac, ayos ka lang ba?” Tanong ni Martina na nagpabalik sa akin sa realidad.
“Huh? Oo.”
Napatayo naman ako at lumapit sa kaniya, “You need help?”
“Yes, please.”
“Hay nako, tingnan mo nga naman... nagpapatulong ako pero hindi ako pinansin,” I heard Chezca hisses, “Pero noong si Tin na ang ... tsk, tsk, tsk, tsk!” Uniling-iling pa ito.
“Sorry na, mamaya, help kita.”
“Forget it, I'm done.”
I hear Martina's chuckle and she again have my attention. So beautiful. Tinalo ang beauty ko.
Napatingin naman siya sa akin kaya nagulat ako at napabalik sa ginagawa kong paglilipat ng barbeque sa plate.
“Problem?” Marahan niya akong sinanggi.
“Wala.”
Oh my fucking goodness, nahihiya ako sa kaniyaaaa!
“Hey, that's not you. Come on, talk to me. Kanina ka pa tingin nang tingin sa akin eh.”
“Huh? Wala nga, Matty. Ano, ahm... naiinggit lang ako kasi ang haba ng hair mo. Bagay rin siguro sa akin ang mahaba,” sabi ko habang hinawi-hawi pa ang buhok niya.
“Baliw,” she rolled her eyes.
“Okay na ba 'yan?” Tanong ni Iris na kararating lang. Nag-ihaw kasi sila ni Diane sa labas ng liempo.
“Yeah, ilagay niyo na rito 'yung inihaw niyo, at nang makapagpahinga pa tayo.”
“Eto na po, mumsh, excited eh,” sabi ni Diane kay Martina habang dala-dala ang plato ng liempo.
“Eh? Of course, we need to retouch pa before the year ends para naman hindi tayo oily this whole upcoming year,” pagdadahilan naman ni Martina.
“Hay nako, tama na nga 'yan. Sige na, mag-retouch na kayo, mga mumsh. Ako na ang bahala rito,” I volunteered.
“Sure ka?” Tanong ni Diane.
“Yup, wala naman akong ginagawa at saka hindi naman ako pangit, hindi ba? Dyosa itey!” Natatawang saad ko sa malanding panabalita.
BINABASA MO ANG
Capturing Mine
عاطفية= Tempted Series 2 = I have never been in love. I have never felt love. I have never tried to love. But when I'm with him? I feel so love. Diane Fortalejo's story from Tempted Series. Note: Be open minded. Remember, Plagiarism is a Crime. © March 27...