Chapter 21: We're Even

562 24 5
                                    

Jacob's POV

Napakaganda talaga ng babaeng iyon. Dapat talaga, hindi ko na lang siya pinuntahan kagabi sa mansion nila. What I witnessed was disgusting. Ang sarap durugin ng mukha ng lalaking iyon. At siya, ang landi-landi niya! Okay, calm, self. It's too early to be stressed out. Work, focus on work.

I went to Matthew's office to present my proposal. Nothing big, but I want to make it as perfect as possible. Sa totoo lang, kanina pa ako daldal nang daldal, and screw my cousin for not paying attention to my business!

“Matty! What are you doing?” sigaw ko rito nang hindi ko na kayanin ang pagiging tulala niya.

“Kanina pa ako nandito at kanina ka pa rin lutang diyan.” Mukhang natauhan naman siya at umayos ng upo, pero mukhang mas lalo lang lumalim ang iniisip niya.

Juice colored, ano ba ang nararapat na gawin ko sa mga taong mukhang tanga? Nagkasasala ako nang wala sa oras eh.

“Ano, wala ka man lang bang sasabihin?”

“Ano bang sasabihin ko?” tanong nito na nagpairap sa akin.

“Lutang ka nga.” Tumingin akong muli sa macbook ko at ihinarap sa kaniya, “Wala ka man lang bang suggestions? Duh?! I am talking to you and it is about work, my God!”

Kapag boss ba, may karapatan nang mag-space out? He is the boss, he should be doing his job well.

“Oh, yes,” mukhang gagong sagot nito. “You know, you don't really have to ask me about this, Jacob. You are doing just fine.”

What?! It sounded like a compliment but is nothing compare to his girlfriend's insight about one's work.

“Fine? Fine lang?” tanong ko bago sumandal sa kinauupuan ko.

Napahinga ako nang malalim saka napahawak sa noo. Fine. Ayaw ko ng fine lang! Tulad na lang ng laging sinasabi ni Martina my love — my cousin's love, better make it not just fine next time but the best! She is such a perfectionist in terms of business matters, tapos itong pinsan kong ito, pa-easy-easy lang? Buti at nagkakasundo pa sila? Sa bagay, sa kama sila madalas na mag-bond, what do I expect? Aist!

“Sinasabi ko na nga ba eh, ang pangit ng gawa ko!!!”

“Magkaibigan nga talaga kayo ni Martina.” Buti alam mo.

Sarap batukan! May pagtawa pa talaga! I am dead serioua tapos siya ay gaganiyan-ganiyan lang?

“Ano ba, Jac,” he called out and furrowed his eyebrows, “It is such a great work of yours. What are you talking about?”

Hindi ko naman sinasadyang maging conscious sa mga ginagawa ko eh, it just happened to be like that. Hay, buhay.

“Kung ayaw mong maniwala ay magtanong ka kay Diane. Siya ang magaling sa mga ganiyan.”

Tss, that woman again? Hanggang dito ba naman ay siya pa rin? Bida-bida talaga ang babaeng iyon, maharot! Pati itong pinsan ko ay siya ang bukambibig sa tuwing kami ang magkasama. Mga taksil!

“Diane?” I frowned. “Eh, pareho nga lang kami ng trabaho noong babaeng iyon. Magaling pa nga ako roon eh.”

“'Yun naman pala eh, bakit ayaw mo pang tanggapin na approved na nga 'yan. Dami mo pang sinasabi.” Inambahan pa niya ako ng suntok pero hindi naman itinuloy.

Inirapan ko na lang ulit siya. Gusto ko lang naman kasi na ipakita sa kaniya itong ginagawa ko kaso mukhang masyado mang na-occupied ni Martina ang isipan niya. Eh? How certain am I na si Martina nga ang iniisip niya? Speaking of that woman, maaga yatang puputi ang buhok ko sa kili-kili nang dahil sa ginagawa niya sa akin. Dumaan kasi ako sa company nila bago ko puntahan itong pinsan kong ito. Tataguan ko na nga sana siya pero nakita niya ako. Ang pretty talaga niya, sarap i-kiss. Wait, what? Pero kahit na ganoon, ayaw kong magpakita sa kaniya. You know why? Ilang araw niya na akong ginagambala! Ang creepy niya kaya. Bigla-bigla na lang siyang magiging sweet sa akin tapos maya-maya, sasapakin ako o kaya naman ay susuntukin sa braso or pagsasampal-sampalin. She is sweet, but psycho! I won't forget what she have done to me the day after we got back here in Manila.

Capturing MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon