Chapter 31: Hoax of Insanity

432 20 58
                                    

Jacob's POV

Alam niyo 'yung pakiramdam na iba ang pinili niya? 'Yun bang, ikaw itong laging nandiyan, ngunit sa kaniya pa rin siya sasama? Ano bang mayroon rito at 'yon ang pinili niya? Ano bang mayroon sa kanila? Sila na ba? Hindi niya na ba ako mahal? Hindi ko na ba naibibigay ang gusto niya? Hindi ko ba siya kayang ihatid gamit ang sasakyan ko?! Kukurutin ko sa singit 'yang babaeng iyan eh!

“Bye, beb,” kaway niya sa akin bago binuksan ang pinto. “See you later.”

At iyon, umalis na sila.

“Aist!” reklamo ko bago pumasok sa sariling sasakyan.

Pipitikin ko talaga ang ilong niya hanggang sa mapango siya. Anong gagawin nila, magtatanan? She tricked me. Ang sabi niya sa akin, ako na lang ang bumaba sa parking area para kunin ang sasakyan ko at sa main entrance niya ako hihintayin, but looked at her, iba pala ang hinihintay niya. Sa ibang sasakyan siya sumakay — at sa sasakyan na naman na iyon! Sino ba ang nagmamaneho noon? Hindi man lang niya ipakilala, bad trip. Nawala nga si Andrew, may bago naman na pumalit. Lagi na lang iyon ang naghahatid at sumusundo sa kaniya. Nagbago na siya, hindi niya na ipinakikilala sa akin ang mga lalaki niya. Hindi na talaga niya ako love. Iniwan niya na ako!!! Lagot siya sa akin mamaya.

“Hijo,” pagtawag ni Tito Franco na nagpabalik sa katinuan ko.

Napatingin naman ako sa kaniya bago napansing nakatingin silang lahat sa akin. Nilingon ko ang pinsan ko na natatawa lang sa tabi ko.

“What can you say about the proposal? It's for maintaining the beauty of our branches, and since you're handling lots of it, your perspective is necessary.”

“And the upgrades, what do you think? Are those things good enough or you want to upgrade something else?” tanong naman ni dad.

“Ahm,” sabi ko bago tumingin sa power point presentation na nasa harapan.

Tangina, ano 'to? Hindi ko maintindihan! Bakit kasi iniisip ko ang pagkainis ko sa babaeng iyon at sa sumundo sa kaniya? We are inside the boardroom and currently having a presentation to discuss. Teka nga, ano bang nangyayari? Anong mayroon dito?

“D–Dad, tito, ahm....” Tiningnan ko silang muli at mukhang naghihintay sila sa kung anuman ang isasagot ko.

Even the team who created the presentation, all of them, they're all waiting. Ano naman ang sasabihin ko? Anong gagawin ko? Matthew, he'll help me.

“Matt,” I silently called him, poking his arm with my elbow.

“Everything is great, dad, tito,” sabi nito. “I see no problem with it and I think, Jacob too.”

Mukhang ine-expect niya na ang paghingi ko ng tulong sa kaniya. I sigh in relief to what he did. This happens a lot, at natatapat na lagi kong pinoproblema ang maharot kong bestfriend. Bakit ba naman kasiii... ugh!

“Right, Jacob?” tanong ni Matt habang nakaakbay sa akin.

I nod, “Yeah, it's... great.”

“Good. Now, let's proceed to implementation,” dad said.

Matthew pats my back like he's trying to comfort me from a heartbreak m and so I look at him. He's grinning and I just wanted to roll my eyes if it wasn't for the fact that he saved me.

“Girl problem?”

“Oh, shut up.”

Tinawanan ako nito kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na samaan siya ng tingin at irapan. The day ran smoothly. Susunduin ko sana si beb sa Fortalejo Managing Co. kaso nga lang, ayon, pagdating ko ay papasakay na naman siya sa sasakyang iyon. Tangna talaga, eh, 'di sila na ang magkasama! Sila na ang masaya, sila na talaga!

Capturing MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon