Chapter 9: It'll Begin Here

14.1K 263 21
                                    

Chapter 9: It'll Begin Here

Abala ako sa paglalagay ng mga damit ko sa loob ng closet. I was inside the room na inilaan ni Madi para sa akin. Pero kahit may ginagawa ako ay hindi ko maiwasang mapatigil at mapatulala lalo kapag pumapasok sa isip ko ang mga nangyari sa akin.

Hindi lang iyong kanina na muntikan ng pangdadahas sa akin ng dalawang lassengero na iyon kundi lahat na ng kamalasang inabot ko. 'Yung madalas akong inaaway dahil napagbibintangan akong nang-aagaw ng boyfriend, iyong nasasama ako sa mga gulo na hindi naman talaga dapat ako kasama at iyong pamimilit magpakasal sa akinni Alfred. At ang pinakamatindi sa lahat ay iyong matawag ako na hindi matinong babae.

Parang napakaimposible nang mga nangyayari sa akin pero heto at nangyayari nga. The misfortunes and mishaps, were they because of my physical appearance?

I'm half Spanish. Hindi ko nakilala ang biological father ko pero sa palagay ko marami akong nakuhang features sa kanya dahil ang feature na nakuha ko lang kay Nanay hugis nang mga mata. But the color of my eyes is brown. Ang labi ko ay hugis puso at matangos ang ilong ko. Maputi ang balat ko. At ang alon-alon kong buhok ay kulay light brown.

Hindi ko naman sinasabi na kapag maganda dapat sinuswerte pero grabe na man itong nangyayari sa akin...

Napaigtad ako bigla at nagising sa malalim na pag-iisip nang maramdaman ko na may mahigpit na yumakap sa akin mula sa likuran. Kahit hindi ako lumingon ay alam ko kung sino iyon.

"Sorry. . . sorry talaga, Cielo," aniya at idinikit niya ang kanyang pisngi sa aking likuran. "I'll make it up to you, I promise basta don't be mad at me, ha."

Ang sweet niya. Mula pa kanina ay wala siyang ginawa kundi manyakap at humingi nang sorry.

Napangiti ako at kinalas ko ang mga braso niya sa beywang ko bago ko siya hinarap. "Okay lang talaga. Naiintindihan ako," sabi ko habang diretso akong nakatingin sa mga puppy eyes.

"Talaga? Thank you!" Aniya at kinuha ang dalawa kong kamay bago siya ngumiti ng malapad.

"Ehem! Ehem!" We stiffened when we heared horrible fake coughs.

Sabay kaming napatingin napatingin sa may pintuan ng kwarto. Naroon si Madi, he was leaning on the door frame while his arms were crossed against his chest.

"Bakit sa akin hindi ka nagso-sorry Coleen? I think you have to say sorry to me, too," he said at hinawakan niya ang pisngi niya. "Ang sakit kaya ng sampal mo. My cheeks still sting, you know."

Biglang natapatuwid si Coleen na nasa tabi ko. Binitawan niya ang kamay ko bago niya tinignan si Madi gamit ang naniningkit na mga mata. "Para yatang hindi pantay ang pagkakasampal ko sa'yo, Vera. Parang mas namamaga iyong kanan na pisngi. Gusto mo pantayin natin?"

Ngumuso si Madi at nag-iwas ng tingin. "A simple sorry and a bear hug will do," bulong niya pero nakarating iyon sa pandinig ko.

I was sure na narinig din iyon ni Coleen dahil lumambot ang expression mukha niya. Humakbang siya palapit kay Madi at mahigpit na yumakap dito. Seryoso pa rin ang mukha nang kaibigan ko but I could see that he was trying to stiffle a smile.

"Sorry babe. Akala ko kasi nambababae ka habang nasa America ako. Someone told me kasi that she spotted you na may kasamang  pretty girl. Dapat tinanong muna kita bago kita sinampal," she said. Humiwalay siya ng kaunti kay Madi at marahan niyang hinaplos ang pisngi nito. "Talaga bang masakit?"

Para namang batang sunod-sunod na tumango si Madi. Hindi ko maiwasang mapangiti.

Coleen tiptoed and she gave him  quick pecks on both cheeks. "There. Better?"

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon