Chapter 90: The Visitors 2

7.6K 248 39
                                    

Chapter 90: The Visitors 2

"A-alfred? A-anong ginagawa m-mo dito?"

I immediately trembled with fear, no doubt Alfred could scare all the daylights out of me. He was just standing at our doorstep, wala pa siyang sinasabi at wala pa siyang ginagawa pero halos hindi na ako makahinga. I could not even move to close the damn door.

Natuod ako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Ang unang pumasok sa isip ko ay si Kley. Gusto ko siyang tawagan para humingi ng tulong pero hindi ko hawak ang cellphone ko. Inilapag ko ito sa ibabaw ng divider kaninang naglilinis ako. Naisip kong tumakbo palabas pero nakaharang sa may pinto si Alfred. At kahitakatakbo pa ako ay sigurado ako na maaabutan din niya ako.

I suddenly felt so helpless. Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata at alam kong anumang sandali mula ngayon ay wala na akong magagawa kundi umiyak. Pero bago pa tuluyang tumulo ang unang butil ng luha ko ay may nangyari.

Potato kicked. Dalawang magkasunod na beses. It was like he's telling me that I have to be strong. Na hindi dapat ako magpakita ng kahinaan kay Alfred. He was urging me to fight.

Sa kabila ng sitwasyon ko ngayon ay hindi ko mapigilan ang pagsilay ng maliit na ngiti sa labi ko. Tumingin ako sa tiyan ko at marahan ko itong hinaplos. My little angel is brave. I think mommy should be brave, too.

Ilang beses akong hinga ng malalim bago ako nag-anggat ng tingin upang tignan ng diretso sa mata si Alfred.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked again. This time, my voice did not falter.

Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na para bang may iniisip siyang kung ano. Lumipas pa ang ilang sandali ay nanatili pa rin siyang tahimik.

"Umalis ka na," malamig kong sabi sa kanya. Hinawakan ko ang doorknob at akma kong nang isasara ang pinto ngunit mabilis niyang naiharang ang kanyang braso.

"Cielo, mag-usap tayo. Kailangan nating mag-usap, please," he said in a low and pleading voice.

Nagsalubong ang kilay ko. I could not believe that Alfred actually said the the word 'please'. Hindi ang katulad niya ang makikiusap. Hindi siya marunong noon. Kung may gusto siya ay dadaanin niya sa pilitan o di kaya ay sa pamba- blackmail just like what he did to me more than a year ago.

I looked at him with disbelief. At doon ko napansin na parang may nag-iba sa kanya. He seemed unsure. Tila ba nawala ang yabang niyang noon ay nag-uumapaw. Para ngang maluha-luha pa ang kanyang mga mata.

Anong drama ito? Sa tingin ba niya ay madadala ako sa pag-iiba  niya ng paraan?

Well, I am not stupid. Kahit anong gawin niya ay hinding-hindi ako mapapasakanya. Not yestderday, not today and never in a million years.

"Wala na tayong pag-uusapan pa kaya umalis ka na. Wala ka na namang mapapala sa akin, Alfred. Look at me, I'm pregnant. May pamilya na ako. Kaya please lang, huwag ka nang manggulo," saad ko habang nakatingin sa kanya ng buong tapang. My voice was firm.

Another moment of silence passed. I thought he would back off but he did not. Sa halip na umalis ay itinulak niya ang pinto saka pumasok. Then he closed it. Bigla na naman akong sinalakay ng takot. Hindi para sa sarili ko kung hindi para sa baby ko. I protectively wrapped my arms around my tummy.

"Ano ba Alfred?! Bakit hindi mo na lang ako pabayaan?" Galit na sigaw ko. "Hindi ka ba marunong umintindi?"

Pero hindi natinag si Alfred sa pagtataas ko nang boses, sa halip ay naging matapang ang kanyang mukha.

"Lumayo naman ako, 'di ba? Hindi na ako nanggulo. I let you be pero bakit ayaw niyo pa ring tumigil?" Mas galit niyang bulyaw sa akin. He was mad. And desperate?

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon