Chapter 92: Liability

7.1K 204 29
                                    

Chapter 92: Liability

Dalawang araw na ang mabilis na lumipas at para pa rin akong lumulutang sa kawalan. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay halos hindi ako makasunod.

Naayos na nang pinsan kong si Joaquin ang lahat ng mga papeles na kailangan ko para makalipad papunta sa Spain. Nakapagpakonsulta na rin ako sa obgyne ko and she gave me a clearance to fly. Naimpake ko na ang mga damit ko. Handang-handa na akong umalis.

Ang hindi ko na lang nagagawa ay kausapin si Kley upang magpaalam. I had no intention of keeping this from him pero ang problema ay hindi ko siya ma contact. Dalawang araw ko na siyang sinusubukang tawagan pero kung hindi laging busy ang kanyang cellphone ay nakapatay ito. Hindi rin siya tumatawag sa akin para kumustahin ako at ang baby niya.

A part of me was worried but I do know that he was busy. I know that he was hell bent on finishing his task so that he could come back here soon. Isa pa, bago siya umalis ay sinabi naman niya na magiging abala talaga siya.

I sighed. Ibinaba ko ang cellphone ko sa kama pagkatapos kong maipadala ang isang maikling text para kay Kley.

Ang sabi ko sa text ay tawagan niya ako agad.

I miss him. I really miss him. Yes, he's dping what he's doing for me amd our baby but I couldn't help but feel lonely. It feels like he has been neglecting me this past few days, kung kailan mas kailangan ko siya.

Halos lahat na nang tao ay alam ang nangyayari sa akin sa kasalukuyan. Even Madi knew that I'm bound to Spain. I told him that my biological father was dying and I need to see him before... before his te ran out. He told me to be safe and he also told me that everything would be okay. Silang lahat ay ganoon ang sinasabi sa akin, na magiging okay ako maliban kay Kley.

Gusto ko sa kanya manggalin ang mga salitang iyon. Siguro ay mas magiging panatag ang loob ko. Gusto ay sumama siya sa akin sa Spain, siguro ay mababawasan ang takot ko at pangamba. It's him that I needed the most but he's too busy.

Too busy to return my call or to even send me a text message.

Muling namuo ang luha sa mga mata ko pero agad ko iyon pinigilan lalo na nang makarinig ako ng mahinang katok.

"Cielo....." Tawag sa akin ni Tiyang Annie.

"Po?" Sagot ko.

Bumukas ang pinto at pumasok siya at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan niya iyong hinaplos. "Nasa labas na ang pinsan mo at hinihintay ka na niya. Handa ka na bang umalis?"

Ngayong araw na ito ako nakatakdang umalis patungong Spain.

"O-opo," wala sa loob na sagot ko kahit ang totoo ay hindi ako sigurado kung handa na ba talaga ako.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Tiyang. "Pasensya ka na Cielo. Gusto sana kitang samahan kung hindi lang naaksidente ang Tiyong Castor mo at nabalian namg buto."

"Ayos lang po, Tyang. Naiintindihan ko po na mas kailangan kayo ni Tyong Castor dito. Tsaka hindi naman po ako pababayaan ni Kuya Joaquin," sabi ko.

"Nakausap mo na ba si Kley?"

"H-hindi pa po..." I admitted. Muling namumuo ang luha sa mga mata mata ko.

Nagsalubong ang kilay ni Tyang. "Ano bang nangyari sa batang iyon? Pati ako ay nag-aalala na sa kanya."

"Baka talaga lang po busy sa trabaho," sagot ko.

"Alam mong kailangan mo ring magpaalam sa kanya, hindi ba? Kailangan niyang malaman na aalis ka dahil baka mag-alala iyon. Bakit hindi mo siya sadyain sa bahay nila o sa trabaho?"

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon