Chapter 15

12.9K 234 10
                                    

Chapter 15:

"I see you are afraid of ghosts," simula niya. "You shouldn't be. Alam mo kung kanino ka dapat matakot? Sa akin. Because once na mag sumbong  ka, hindi na kita titigilan. I'm gonna be your ghost. I won't let you rest. I'm gonna make your life a living hell."

Napapikit ako nang mariin. I could feel his breath and lips brushed against my skin. Nakikiliti ako sa bawat bigkas niya ng salita.

Ayaw ko man mangyari pero nanginig ang aking katawan.

Not because of fear but because he was too close.

I could feel the warmth from his body.

And I know I was in deep trouble kaya pinilit kong ipunin ang aking lakas para itulak siya. But it was useless. His broad shoulders were steady, hindi man lang natinag.

"Do you understand me, " pinaglakbay niya ang kanyang kamay mula sa aking braso at pagkatapos ay kinuha niya ang aking ID. "Samonte, Cielo A., do I make myself clear to you?"

"N-no." I stuttered at first.  But I couln not let him let him bully me so I jutted my chin at looked. Gamit ang mas matigas na boses ay sinabi ko ulit, "No."

"No?" His voice is laced with danger. "Don't you have any idea who I am? Hindi mo ba ako kilala?

"Bakit? Sino ka ba, ha?" Tanong ko kahit ang totoo ay kilala ko siya.

Of course, I know who he is. Wala yatang kahit sino dito sa university ang hindi nakakakilala sa kanya. Kahit saan ako magpunta ay naririnig ko ang pangalan niya. Naririnig ko na siya lagi ang pinag-uusapan ng mga babae dito sa uni. Pero hinding-hindi ko sasabihin sa kanya na kilala ko siya. I know that he will use it against me.

"Hindi kita kilala!"

"Really, huh? Kung hindi mo ako kilala then I will introduce—"

"Don't bother," I cut him off. "Wala akong pakialam kung ano ang pangalan mo. Pakawalan mo na lang ako!"

Pero sa halip na bitawan niya ako ay naramdaman kong lalong dumiin ang likod ko sa bookshelf. He was pushing me with more force this time.

Gamit ang liwanag na galing sa sinag na buwan na tumatagos sa isang malapit na bintana ay tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. He was doing the same thing, too.

We both stared at each other. Nagsusukatan. Hindi ko alam kung gaano katagal nagtitigan. But then his lips curved into a dangerous grin.

He freed me from his hold. Umayos siya ng tayo. Nakapaskil pa rin sa kanyang labi ang isang ngisi.

He cocked his head to the side. "You are different."

Umayos na rin ako ng tayo at inalis ang pagkakasandal ko sa bookshelf. Humalukipkip ako at tinaasan ko siya ng kilay.

I wanted to show him that I'm tough even though the truth is his presence really intimidates me.

"You're different," saad niya ay tinignan niya ako muli mula ulo hanggang paa.

I instantly knew what he meant. I was different because of how I look and how I dress. But there was something in his voice that made me want to believe na hindi a itsura ko o ang pananamit ko ang tinutukoy niyang iba sa akin.

"Aren't you afraid of me?"

Again, I raised a brow.

Intimidated, oo. Pero takot? Hindi.

Marami na akong nakilala at nakasalamuhang iba't-ibang klase ng lalaki. Ang iba pa nga ay pinagbalakan ako ng hindi maganda but looking at Kley Artega right now....

I could see arrogance.

I could see entitlement.

I could see a womanizer.

I could see trouble.

Ang nakapagtataka lang... hindi ko makita o maramdaman na masama siyang tao.

Itinaas ko ang ulo ko. "Hindi ako takot sayo," I said .

The dangerous grin slowly turned into a playful one. Para pa ngang kumislap ang mga mata niya.

"Very well."

"Huh?" napakunot ang noo ko. Kanina lang ay sinasabi niya na dapat ay matakot ako sa kanya pero ngayon ay may "very well" pa siyang nalalaman.

Sa aking pagkagulat ay bigla niya muling hinawakan ang aking balikat at padarag na isinaldal muli sa bookshelf.

"Aray!" Piksi ko. Tumama kasi ang buto ko sa kanto ng shelf.

Pero binaliwala niya iyon. "I'm gonna ask you again. Aren't you afraid of me?" Bawat salita niya ay may diin.

I almost rolled my eyes. Paulit-ulit?

Hindi siguro matanggap ng lalaking ito na may isang tulad ko na hindi titiklop sa kanya.

Malamang ay nasaktan ng sobra ang ego niya.

"Hindi. Ako. Takot. Sa.Iyo." m
May diin ko ring sagot sa kanya.

Ngumisi siya ulit pero sa pagkakataong ito ay hindi ko mabasa ang pahiwatig ng ngisi niya.

"Then by all means, let's make this more exciting."

Kung hindi siguro tulad kanina na malapit na malapit ang kanyang labi sa aking tenga ay hindi ko maririnig ang kanyang sinabi.

Mahina ang kanyang boses....

Parang bulong lang ng hangin pero sapat na para magtayuan ang aking mga balahibo.

"More exciting?" Nalilito kong tanong.

"Yes, I dare you. Isumbong mo ako, ang ginawa ngayon lang at  ang lahat ng gagawin ko pa dito sa library. You're one brave girl, huh? Go ahead. I will have all the reason para gawin ang gusto ko sa iyo," he muttered.

Pagtapos  ay pinakawalan na niya ako ng tuluyan. He took three steps back. He grinned at me and then turned his back. He began walking away.

That same moment ay nagliwanag nang muli ang library dahil bumukas na lahat ng ilaw.

I frowned. What did just happen?

From the moment that that history book fell out of the shelf.

Hanggang makita ko si Kley na may kasamang babae dito sa tago at madilim na parte ng library.

Hanggang sa confrontation namin.

Hanggang mamatay ang mga ilaw.

Hanggang pinagbantaan niya ako.

Hanggang tumalikod na siya.

At nabuhay muli ang mga ilaw.

I don't believe in coincidence. Pero ano ang ibig sabihin ng mga nangyari?

I sighed. May isa pa pala akong dapat isipin. Ano ba ang tamang gawin. Papatulan ko ba ang hamon niya?

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon