Chapter 35: Patay

11.9K 243 19
                                    

Chapter 35: Patay

Matapos ang isa't kalahating oras ay natapos ang klase ko. Nginitian ko si Michael. Natapos kasi namin ang activity na ibinigay ni Miss nang walang nagiging problema.

"Ah.. Eh.. Cielo?"

"Ano 'yon Michael?" tanong ko sa kanya habang abala ako sa paglalagay ng mga gamit ko sa aking bag.

Medyo may pagmamadali sa kilos ko dahil may pakiramdam ako na kailangan ko agad makalabas ng classroom pakiramdam ako na...

"Cielo!"

Nanigas ang likod ko nang may tumawag ulit sa akin. Hindi si Michael.

J looked up only to find out that some of my female classmates were standing in front of me.

Anak ng kumag naman Kley! Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"B-bakit?" inosente ko tanong. Kunwari ay wala akong ideya kung bakit nila ako nilapitan pero sigurado akong tatanungin nila ako tungkol kay Kley.

"What's with you and Kley?" Trina asked.

Ngumiti ako nang tabingi. Kung makapagtanong naman ang mga ito parang close kami. Gusto ko irapan sila isa-isa at sabihing wala silang pakialam pero syempre ay hindi ko iyon ginawa.

"What?" Gagad na tanong ng isa ng isa nang matagalan akong sumagot.

Nabuntong hininga ako. "Student librarian siya na katulad ko," tamad kong sabi at binalikan ang mga inaayos kong mga gamit. Sana naman mapansin nila na ayaw kong makipag-usap sa kanila.

"Ok. We already know that. Ang gusto naming malaman ay kung bakit hanggang dito sa classroom ay sinasamahan ka niya. And what was that scene all about?"

"What? Answer our question, Cielo?"

Tumigil ako sa ginagawa ko at nag-isip ng magandang palusot na sasabihin sa mga makukulit na babaeng ito. Hindi nagtagal ay bahagya akong napangisi.

"He asked for my help. Nagpapa-tutor kasi siya sa Math. Medyo hindi niya kasi magets yung lesson. Alam niyo na..." My voice trailed off. Tinuro-turo ko pa ang sintido ko.

Sorry na lang kay Kley kung napalabas ko na..uhm... medyo mahina ang kukote niya. Wala na akong akong ibang maisip na dahilan. In the first place kasalanan naman niya kung bakit nasa ganito akong sitwasyon ngayon, kyng bakit ine-interogate ako ng mga fangirls niya.

Isa-isa ko ulit tinignan ang mga kaklase kong babae. Bakas sa kanilang mukha ang hindi pagkapaniwala sa sinabi ko.

Tsk! Major turn off nga naman kung malaman mo na ang hinahangaan mong lalaki na ubod ng gwapo, hot, yaman at uumapaw ang sex appeal ay medyo nagkulang sa aspeto ng katalinuhan.

Gusto kong tumawa ng malakas. It's like I hit two birds in one stone. Nakalusot na ako sa kinahaharap kong issue tapos naitaboy ko pa ang iilan sa maraming tagahanga ni Kley.

Kinuha ko ang bag ko at sinabit ko iyon sa aking balikat. Nilampasan ko ang mga fangirls ni Kley na ngayon ay nakatulala pa rin pero hindi ba ako nakakalayo ay hinila ako ng isa pabalik.

Nainis ako . "Bakit ba?" Hindi ko na sinubukang itago ang inis sa aking boses.

Nagulat ako nang hinarap nila ako nang may galit. "Niloloko mo ba kami?!" Tanong ng isa.

Bigla naman napawi ang nararamdaman kong inis dahil napalitan iyon ng nag-uumapaw na simpatya. Syempre nasa stage pa sila nang denial. Mahirap tanggapin na yung mga bagay na pinaniniwalaan mo sa napakahabang panahon ay hindi pala totoo. Nakakalungkot, nakaka-upset at minsan ay talagang nakakagalit. Naramdaman ko rin ang ganyan. I still remember how upset I was when Sanrio anounced that Hello Kitty is a little girl and not a cat.

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon