Chapter 37: Soon

11.8K 239 24
                                    

Chapter 37: Soon

Since the night I said 'no' to Kley, days passed by quickly.

Mabilis ding humupa ang usapan tungkol sa namamagitan sa amin ni Kley dahil kahit kailan ay hindi na nila ulit kami nila nakitang magkasama o nag-uusap maliban na lamang kung nasa sa library kami.

Dalawang linggo.

Dalawang linggo na lang at matatapos na ang first semester ng taon. Ibig sabihin kaunting panahon na lang din at matatapos na ang parusa ni Kley sa library. Dalawang linggo ko na lang siyang makakasama.

Ngayon pa lang ay ay talagang nalulungkot na ako. Nasanay na kasi ako na lagi lang siyang nandyan at nakikita ko siya halos araw-araw.

Napabuntong hininga ako. Ayaw ko sanag maging dependent kay Kley pero heto ay hindi ko ko rin naiwas. Ilang buwan pa lang kaming magkakilala pero pakiramdam ko ay hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita o nakakausap. Nasanay ako na parte na siya ng buhay ko. Nasanay ako sa lahat ng meron kami.

Nasanay ako sa boses niya.

Nasanay ako sa mga titig niya.

Nasanay ako sa mga yakap niya.

Nasanay ako sa mga halik niya.

Ang isa pang nakasanayan ko ay ang magtago at itago ang kung anong meron kami ni Kley, that we are together unofficialy.

Yes, I answered 'no' when he asked me to be his girlfriend nights ago but nothing much had change. He continued pursuing me and I liked having him around. Hindi ko siya sinagot ng gabing iyon pero hindi ibig sabihin na binasted ko siya. I just want a little more time.

Ang tanging nagbago lang ang mas naging maingat na siya sa kanyang mga galaw dahil na rin sa paliusap ko. No more stalking, no more seat ins, no more staring. Kapag may nakakakita ay wala lang kami sa isa't isa.

Sa umpisa ay talagang ayaw niya. Nahirapan talaga siya pero dahil hiniling ko ay pilit niyang ginawa.

Ipinakita niya sa akin na kaya niyang mag-adjust and that he's willing to wait.

And that made me fall even harder. Kung dati ay gusto ko lang siya. Ngayon, palagay ko, mahal ko na si Kley.

Kipkip ang ilang libro ay nagmamadali akong naglalakad patungo sa susunod kong klase. Medyo lutang ako dahil napuyat ako sa pag-rereview. It's finals week and I'm dying.

Every single student in this university is dying except Kley.

Nakasalubong ko siya kaninang umaga and he looked handsome as ever, fresh na fresh at walang eyebags.

He looked like a demigod na naligaw sa kulungan ng mga panda. Kahit si Julia at ang mga kabarkada niya na kasama niya kanina ay mukha kulang sa tulog.

Paano ba naman, sa ilang buwan naming magkasama, there was never a time na nakita ko siyang humawak ng libro para magbasa o mag-aral.

The priviledges of having a fat brain. Kahit hindi mag-aral ay okay lang. Kahit hindi magpuyat kaka-review ay papasa pa din.

Samantalang kami ay kailangan talagang mag-effort, malipasan ng gutom at mapuyat.

Unfair!

Naaalala ko pa noong minsan na hindi ko masolve ang isang math equation. I spent almost two hours na nakikipagbuno sa mga numero ay hindi ko talaga makuha ang sagot. Kaya hanggang sa library ay nagso-solve ako. That's when he saw me. Inagaw niya sa akin ang papel at wala pang limang minuto ay tapos na niya na para bang ang sinagutan niya ay kasing dali ng one plus one .

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon