Chapter 14: The Threat

13.1K 266 18
                                    

Chapter 14: The Threat

TUG!

Dinig na dinig ko ang pagtama ng libro sa ulo ni Kley Anton Artega. Alam ko na malakas ang ginawa lung pagbato. Alam ko rin na masaktan siya because the book that I threw to him was hardbound. But I didn't feel an ounce of guilt. He deserved it!

Halos mawalan ako ng ulirat!

Halos lumabas na ang puso ko mula sa dibdib ko!

Halos bumulagta ako dito dahil sa sobrang takot sa akala ko'y multo!

Paano kung tatumba nga ako? Tapos ay nabagok ang ulo ko? Kinabukasan ay maaabutan ako dito at isa nang malamig na bangkay!

Mamamatay ako dahil sa walang katuturang bagay?!

Dahil sa bwisit na ito? Kumag! Pervert!

Walanghiya!

Ibang klaseng kababalaghan pala ang nangyayari dito sa library. Hindi dahil sa pwersa ng kadiliman kundi dahil sa pwersa ng kaberdehan! May nalalaman pa ako na multong hindi makatawid sa kabilang buhay na kailangan ng tulong ko... 'yun pala hindi multo kundi MOMOL!

Walanghiya talaga!

I was fuming mad. Patuloy ang mabilis kong paghinga. Naninikip ang dibdib ko dahil sa sobrang galit. Kuyom ang mga palad ko sa panggigil.

Sarap bigyan ng uppercut ng lalaking ito! Para bumitiw na siya sa kagat-kagat niyang labi ng kahalikan niyang babae!

Para silang nag freeze. Hindi sila gumagalaw. Si Kley, nasa binti pa rin ng babae ang kamay. Hindi na humihimas pero mahigpit ang pagkakahawak niya. And those annoying lips, ayaw bumitiw.

Ano 'to? The show must go on?

Naunang nakabawi ang babae. Mabilis niyang itinulak si Kley. But she struggled dahil ang manyakis ayaw pakawalan ang labi ng niya.

Parang lintang nakakapit.

Budburan ko kaya ang mga lintik na labing 'yan para bumitiw?

Hindi nagtagal ay nakawala rin ang babae. Tinulak niya si Kley, mabilis na tumayo at inayos ang nakalilis na palda.

May nakita pa akong namumulang marka sa legs niya. Bakas ng kamay ni Kley.

Sa kabila ng galit ay parang bigla kong gustong tumawa dahil sa nakikita kong  pagkataranta ng babae. Bakas sa kanyang mukha ang pagkapahiya at takot.

Gagawa na lang kasi ng makamundong gawain sa library pa na school.

"I... ah... I n-need to go, Kley," paalam niya.

Nagsimula na siyang humakbang pero nang dumaan siya sa gilid ko at akma akong lalampasan lang ay hinawakan ko ang braso niya.

She flinched. "H-hey! What are you d-doing?"

Naniningkit ang mga mata ko habang nakatingin ako sa kanya. Hindi siya si Julia kaya malamang ay kabit siya o pampalipas oras lang ni Kley.

I almost shook my head. Kung kay Kley ay galit ako, sa kanya naman ay natatangahan ako. Yes, he's handsome and tall at he has that makalaglag panty bod but no doubt he's a player. A heartbreak waiting to happen. Unless syempre kung itong si girl ay naglalaro lang din.

But looking at her flustered yet pretty face, I instantly knew that she's not the kind who plays around.

Ipinalad ko ang malayang kamay ko sa harap ng babae. "ID mo, miss."

Her eyes widened. Lumingon siya kay Kley para humingi ng tulong.

"You can go home, Sandy," tamad na saad ni Kley.

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon