Chapter 93: Hallucinations

7.2K 254 41
                                    

Chapter 93: Hallucinations

Kahit inaantok pa ay pinilit kong binuksan ang mga mata ko. Ang una kong nakita ay ang hindi pamilyar na kisame. Agad akong napabalikwas ng bangon ng mapagtanto ko na wala ako sa loob ng kwarto ko. It took me a few moment to realize where I am.

Oo nga pala, wala ako sa Pilipinas. Hindi ito ang simpleng kwarto ko sa bahay nina Tiyang Annie. I am in Spain, in my father's house. I am miles away from home.

Wala sa loob na napahilamos ako ng mukha bago inikot ang mga mata ko sa loob ng magarang kwarto na inilaan para sa akin. Light filled the room, nanggagaling iyon sa bintana na naiwan kong nakabukas kagabi. I sighed. Yet, it was another morning in Spain.

Bumangon ako at pumunta sa banyo. I brushed my teeth and washed my face. Pagkatapos ay hindi ko maiwasang titigan ang sarili ko sa salamin. I looked pale but I felt normal. Wala akong masamang nararamdaman. Siguro ay naninibago lang talaga ako sa klima o sa hangin o sa engradeng bahay.

Mayaman ang mga Esquivel. The family is among the old rich clans in Spain. Their ancestral house looked like a museum. Nagkalat ang mga mamahaling painting at eleganteng furnitures.

It's been days since I arrived here but every morning I could not help but wake up with a jolt. Everything was just so... different.

I sighed again. Pinunasan ko mukha ko at lumabas mula sa banyo. Pinalitan ko ang suot kong pantulog ng bulalaking bestida na hanggang tuhod ang haba. Sa palagay ko ay hindi aayon sa bahay na ito ang simpleng t-shirt lang at short. That look will not fit in here. At isa pa, medyo sumisikip na ang mga garterized shorts ko. My tummy is getting bigger and bigger habang lumilipas ang mga araw. If only Kley was here.

Kumusta na kaya siya? Mula ng dumating ako dito ay wala pa akong narinig na balita tungkol sa kanya. I already called Tiyang and my friends in the Philippines but not even once did they mention him. Hindi rin ako nagtatanong.

Siguro ay busy pa siya sa pag-aayos ng kompanya niya. Maybe he's working hard to fix the problems that technically I was the cause because he spent too much time with me. Because I am a burden to him and a...

Bigla akong napailing. I should not go there. Hindi ko dapat isipin ang mga bagay na ito dahil sigurado na malulungkot lang ako at baka mapansin pa iyon ni Papa.

And speaking of my father, siguradong gising na siya at hinihintay ako. So I hurriedly tied my hair into a braid and went out of the room. Two door's away from my room was my father's. I knocked on the door. Hindi nagtagal ay binuksan iyon ng isang lalaking nakasuot ng kulay puting uniporme. He was papa's personal nurse.

"Good morning," bati ko sa kanya. "Is he awake?" I asked.

Tumango siya at niluwagan ang pinto. Pumasok ako sa loob. I saw my father sitting on his wheelchair.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo. "Good morning, Papa."

He smiled. "Buenos dias, mi hija." Masigla niya ring bati sa akin.

I smiled at him, too. Hindi ko maipagkakaila na mas masigla na siya ngayon kumpara noong una akong dumating dito. Kahit hindi bumubuti ang kalagayan niya at hindi siya gumagaling sa sakit niya ay naging maaliwalas naman ang mukha niya. He's suffering from a rare heart disease, hindi ko alam kung ano eksaktong sakit niya. He didn't want to discuss it with me and I respect that. Alam ko na ang tanging gusto niya masaya kami parati.

Umikot ako at pumunta sa likod ng wheelchair niya. "I think we both should catch some sunlight, Pa. We look pale," saad ko habang itinutulak ang wheelchair niya. The nurse held the door open for us. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat.

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon