Chapter 31: First Date

12.9K 235 31
                                    

Chapter 31: First Date

Napapakagat ako ng labi habang nakatitig ako sa mga nagkalat na damit sa ibabaw ng kama. I could not believe I'm having a hard time deciding what to wear. Kahit ano na naman ang isuot ko ganoon pa rin ang kalalabasan ko, manang at weird.

Hindi ko maiwasang tumingin sa bukas kong cabinet sa aking kaliwa. Nakahanger doon ang mga damit ko noong normal pa ang buhay ko. Wala sa loob na kinuha ko ang isang floral dress. I am always fond of wearing dresses and girly outfits. Kahit hindi designer's ang mga damit ko noon ay maraming nagsasabing magaling akong magdamit at mag-ayos.

Napabuntong-hininga ako at ibinalik ang dress sa cabinet. Muli kong sinuri ang mga damit sa ibabaw nang kama.

Siguro ay hindi ko na lang masyadong babaduyan ang ayos ko. Baka mapahiya si Kley dahil ako ang kasama niya.

Pinili ko ang isang puting maxi skirt at floral top na walang sleeves.

Matapos kong maisuot ang mga napili kong damit ay humarap naman ako sa salamin. Hinati ko sa gitna ang buhok ko at trinistas ang magkabilang side. Ginuhitan ko ang kilay ko upang kumapal then nilagay ko ang fake bangs ko. Isunot ko rin ang salamin at pati na rin ang braces.

Tumayo ako sa harap nang salamin at dalawang beses na umikot. Hindi man ako ganoon kabaduy kung titignan ngayon pero natatago pa rin ang totoo ko itsura.

Habang inaayos ko ang mga pinagpilian kong damit ay tumunog ang cellphone ko.

Mabilis kong binasa ang mensahe galing kay Kley.

From: Kley
I'm already here at your condo's lobby.

Tumingin ako sa wall clock. Six minutes before three. Just in time. Ang sinabi niya kasi ay alas tres niya akong susunduin.

Nang makababa ako sa lobby ay agad ko siyang nakita. Paano ba naman ay lutang na lutang ang kagwapuhan niya.

How can life be so unfair? Kley was his usual self. He was wearing his favorite v-neck shirt pero imbes na puti ay kulay itim iyon, his denim jeans and of course the stud earring on his left ear completed his badass look. At naka wayfarer pa ang kumag ngayon.

Kung tutuusin ay wala namang espesyal sa suot niya. Pero siya mismo, his whole being and his presence demands attention. Siya ang tipo na kahit mag-suot ng basahan ay hahabol-habulin pa rin ng mga babae at lalo na ng mga beki.

Kaya hindi na ako nagtaka nang mapansin ko na halos lahat ng mga mata sa lobby ay nakatutok sa kanya.

He looks like an arrogant prince standing tall with his hands on his pocket while he was surveying the place.

I sighed pagkatapos ay nagsimula na akong maglakad palapit sa kanya.

When he saw me, his face lightened up. Malawak siyang ngumiti na tila ba isang beauty queen ang naglalakad papunta sa kanya.

Hindi na rin niya hinintay na makalapit ako sa kanya. Naglakad siya pasalubong sa akin. He even shouted, "Baby!"

Natigilan ako at napanganga. I heared a collective gasps then silence. Shit. Maraming nakarinig. Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Hiyang-hiya ako habang si Kley ay walang pakialam. Nang makalapit siya nang tuluyan ay hinalikan niya ako sa sa pisngi. At dahil sa sobrang katahimikan ng paligid ay nag-echo sa buong lobby ang isang malutong na TSUP!

Dumoble ang nararamdaman kong hiya kaya naitulak ko siya pagkatapos ay halos tumakbo ako palabas ng building. Ramdam na ramdam ko pa ang mga mata na nakasunod sa akin!

Anong pumasok sa isip niya at ginawa niya iyon?!

Dirediretso akong naglakad papunta sa parking lot at lumapit sa kotse niya. Hindi nagtagal ay nasa tabi ko na siya at pinagbuksan ako ng pinto. Mabilis siyang umikot at umupo sa driver's seat.

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon