Chapter 25: Boys

13.3K 293 39
                                    

Chapter 25: Boys

Monday came.

Minsan ay naiisip ko pa rin amg nangyari sa mall noong Sabado. Muntik na talaga ako roon!

Mabuti na lang at  naniwala si Coleen sa sinabi ko na  masakit ang aking tiyan. We left immediately kahit hindi pa nag-uumpisa amg movie. Kahit nanghihinayang ako sa ibiniyad ni Coleen, I couldn't risk it. Kley was sitting beside me. He was freaking beside me! Hindi malayong makita niya ako.

Gusto kong mainis sa tadhana dahil talagang pinaglalaruan niya ako.

Kung hindi ba naman, 'yong nag-iisang tao na gusto ko munang kalimutan sandali ay makikita ko pa sa mall. Kakain siya sa restaurant kung saan kami kumakain. At nang akala kong ligtas na ako sa loob ng sinehan, makikita ko na lang siya na nakaupo sa tabi ko!

I knew that I was being paranoid. Kahit naman makita niya ako noong araw na iyon ay malaki ang tsansa na hindi niya ako makilala but still.

Hindi ako komportable. Dumagdag pa ang makukulit na paro-paro sa loob ng tiyan ko na walang tigil sa pagsasayaw. Kaya mabuti na din na umuwi na kami ni Coleen.

"Okay, next meeting ay ibibigay ko na ang listahan ng mga groupings niyo. That's all for today. You may go now," sabi ni Sir Sarmiento. Ang professor namin sa PolSci.

Mabilis na nagsitayuan ang mga kaklase ko at umalis. Ang ilan ay nag-iisa at ang karamihan ay grupo.

Hinayaan ko muna sila na malabas lahat bago ako tumayo. Mag-isa lang ako, wala akong naging ka-close sa mga kaklase ko.

Hindi naman lahat sa kanila ay snob at masasama ang ugali. May mga mababait, kinakausap ako at nginingitia. Walang lang siguro akong matatawag na kaibigan sa kanila.

Nang makalabas ako ng classroom ay tinalunton ko ang daan papunta sa cafeteria.

Last subject ko na ngayong araw ang PolSci kaya pagkatapos kong kumain ay dideretso na ako sa library.

Ganito ang buhay ko sa Campbridge— classroom, caf and then library.

Okay lang naman sa akin ang ganito  pero everytime na kakain ako mag-isa ay hindi ko maiwasang malungkot. I miss my friends in San Carlos. Yung mga haratun namin at kulitan. Hindi ako nawawalan doon ng kasama but now...

I couldn't help but sigh.

"What's with the sigh?" medyo nagulat ako ng sinabayan ako ng isang lalaki sa paglalakad.

"Phil! Hi!" Bati ko sa kanya.

Ngumiti siya. "Hello."

Hindi maiwasan na mapatulala sa kagwapuhan niya.  Aaminin ko crush ko siya pero 'yon lang.

Humanga lang talaga ako. Hindi tulad kapag si Kley ang nasa paligid na hindi matigil ang paghaharot ng mga paro-paro sa tiyan ko ngayon ay tahimik lang sila.

Alam niyo butterflies, dapat kapag si Phil ang nakikita natin dapat doon kaya nagsasaya. Tignan niyo naman, gwapo, mabait, hindi mayabang, tila baliw kong kinausap ang mga parulo-paro sa loob ng tiyan ko pero wala. Wala talaga silang reaction. Si Kley talaga ang gusto nila.

Pero teka nga! Bakit nasingit na naman si Kley? Why am I even comparing?

Pumikit ako ng mariin at bahagyag iniling-iling ang ulo ko upang mabura ang imahe ni Kley na unti-unting nabubuo sa isip ko.

"Are you okay, Cielo?" tanong sa akin ni Phil nang marahil ay napansin ang wierd kong ginagawa.

"Huh? Oo! Okay lang ako!" Halos automatiko kong sagot.

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon