Chapter 6: Run Cielo, Run!

14.5K 279 15
                                    


Chapter 6: Run Cielo, Run!

"Pikit ka, girl," utos ng bakla na nag-aayos sa akin. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng make-up ang mukha ko.

I sighed pagkatapos ay napipilitan kong isinara ang mga mata ko.

Paano ba ako napunta sa ganitong klase ng sitwasyon? Isa lang naman ang simpleng dalaga na may simpleng buhay. Simple lang din ang mga pangarap ko. I did not wish for anything extravagant and luxurious. Ni hindi ko nga pinangarap na magkaroon ng designer na damit, sapatos o bag.

Ang gusto ko lang ay makatapos ako sa pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Gusto ko lang ay makatulong kina Tiyang. Pagkatapos, pagdating nang araw ay makakahanap ako ng lalaki na mamahalin ko at magmamahal sa akin. When the time is right, kapag handa na kami, magpapakasal kami at bubuo ng pamilya. We will have lovely kids that we will unconditionally love.

That was what I wanted, what I dreamed of. Pero kahit siguro kahit gaano kasimple ang pangarap, kahit gaano pinagpaplanuhan ang bukas may mga bagay na mangyayari at maiiba ang daan tatahakin natin. Some dreams are not bound to come true, I realized.

"Waaaaaaaaahhh!!!!"

Nagulat ako at agad na napamulat dahil sa eksaheradang pagsigaw ng mahaderang bakla na nag-aayos sa akin.

"Ano?" Inis kong tanong sa kanya.

"Huwag kang iiyak," sabi niya bago yumuko at kumuha ng tissue.

My brows furrowed at agad kong hinawakan ang pisngi ko. Basa nga. I was already crying but I did not notice.

Ganito talaga siguro kapag hindi taos sa puso ang gagawin mo. Magiging maramdamin ka at hindi mo na lang mamamalayan na tumutulo ang luha mo.

"Bakit ka ba umiiyak?" Tanong niya habang pinupunasan niya ang magkabila kong pisngi. "Sayang ang pinaghirapan kong masterpiece. Tsaka baka pumangit ka sa paningin ni Mr de Dios niyan."

"Mas mabuti nga na pumangit yang si Cielo at nang matigil na ang napakalaking kalokohan na 'to!" Biglang sabi ni Tyang sa galit na boses.

Malungkot akong bumaling sa kanya. Nakatayo siya malapit sa may pintuan ng bahay namin. Kanina pa siya nanonood habang inaayusan ako pero hindi siya nagsasalita.

Alam ko na galit siya sa akin dahil sa pagpayag ko sa kagustuhan ng mga de Dios. Nagbago na ang trato niya sa akin. Hindi niya ako kinakausap man lang. Kung may gusto siyang sabihin sa akin ay ipinadadaan niya iyon kay Tiyong o kaya ay kay Nikki.

Naiintindihan ko naman kung bakit siya galit pero sana ay maintindihan rin niya kung bakit ito ang naging desisyon ko.

Napabuntong-hininga ako nang sumagi sa isip ko ang huli namin pag-uusap na dalawa.

****

"Nababaliw ka na bang bata ka?! Bakit ka papayag?!" Sigaw ni Tiyang.

Napapikit ako ng mariin. Ito ang unang beses na napagtaasan niya ako ng boses. "Tiyang naman...." Hirap kong sabi. "Mawawala po itong lupa natin kapag hindi ako suumunod sa gusto nila."

"Mukha ba akong lupa, Cielo?! Aanhin ko ang lupa kung masisira naman ang buhay mo? Hindi Pwede! Ayoko! Hindi kita ibibigay sa mga baliw na iyon kahit mawalan tayo ng tirahan."

"Hindi po tayo mawawalan ng tirahan. May magagawa po ako..."

"Huwag mong gawin!"

"Buo na po ang desisyon ko," I said with finality in my voice.

"Dios ko naman, Cielo. Bakit ang tigas ng ulo mo? Ano nalang ang sasabihin sa akin ni Ate Elena? Na ipinagpalit kita sa kapirasong lupa? Ano klaseng tiyahin ako?"

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon