Chapter 16: She Won't

13.3K 262 17
                                    

Chapter 16: She Won't

I  groaned when I saw my reflection on the mirror. I looked like a panda.

Nanlalalim at nangingitim ang paligid ng mga mata ko.

Ang babaw ng tulog ko kagabi. Kapag ipipikit ko ang aking mga mata at aagawin na nang antok ang aking kamalayan ay biglang sisingit sa utak ko ang mga nangyari sa library. Maiisip ko ang bwisit na si Kley Anton Artega, his threat and his stupid dare.

His voice and everything he said lingered in my mind the whole night.  He was like a mosquito na bulong nang bulong sa aking tenga.

I'm gonna be your ghost...

I won't let you rest...

I'm gonna make your life a living hell...

Let's make this more exciting...

I dare you...

Sino ba naman ang makakatulog ng maayos?

"Ayos ka lang, Cielo? " Nag-aalalang tanong sa akin ni Madi nang umupo ako sa passenger's seat ng kotse niya. Madi insisted na susunduin niya ako tuwing umaga dahil pareho naman ang oras ng pasok namin sa school at on the way naman ang condo niya. Kapag naman pauwi ay sumasakay ako ng jeep. "You look pale."

"Hindi lang ako nakatulog ng maayos,Mads." pag-amin ko sa kanya.

Nagsalubong ang kanyang kilay, "Bakit? May problema ka ba? May nang-aaway ba sa'yo sa school?"

Hindi ko mapigilang matawa sa tono nang kanyang pagtatanong. Para lang akong grade schooler na tinatanong ng tatay kung may nang-aapi sa akin.

"Okay lang ako, Tay, " I playfully answered.

"Tinatanong kita nang maayos, Cielo."

Aba' t lalong nagdilim ang mukha ni tatay. I fought the urge to laugh louder.

"Kaya nga hindi ako sang-ayon sa planong ito ni Coleen," saglit siyang sumulyap sa akin at muling ibinalik ang mga mata sa daan.

I was wearing may usual "disguise".

Eyeglasses, fake braces, fake bangs, thick eyebrows, a turtleneck short sleeve top and a floral skirt na hanggang sakong ang haba.

Mabuti na lamang at halos lahat ng rooms at facilities sa CU ay airconditioned kaya hindi mainit kahit ganito ang ayos ko.

"Okay lang ako, Madi."

"Sabihin mo lang sa akin kung may nambu-bully sa'yo."

Pagkabanggit ng salitang bully ay biglang pumasok sa aking isip ang mukha na bwisit na lalaki.

Na jerk...

Na pervert...

Na multo...

Na mosquito..

Techinically, he is bulliying me.

Pinagbantaan.

Tinakot.

Hinamon.

Pinuyat.

Sasabihin ko ba kay Madi na may isan Kley Anton Artega na nambu-bully sa akin? Kaya kapag sinabi ko sa kanya ay siguradong gagawa siya nang hakbang.

Pero kasi...

I....

Dare..

You...

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata.

Bahala na nga!

I cleared my throat.

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon