Chapter 27: Paasa

12.7K 291 35
                                    


Chapter 27: Paasa

Mula nang mangyari ang mga nangyari sa ilalim ng punong acacia...

Mula ng sinabi niya ang mga salitang sinabi niya...

Mula nang itulak ko siya at mabilis na tumakbo palayo...

Mula ng iniwan ko nalang siya basta...

Ang dami ng nag-iba.

Sa akin.

At maging kay Kley.

Hindi na kami nagtatalo. Hindi na niya ako niloloko at ginagawang katuwaan.

Hindi ko na siya kinakausap. Hindi ko na siya tinitignan.

Wala.

Wala na.

Kaming dalawa ay para nang estranghero sa isa't isa.

Dapat akong matuwa dahil ito naman ang gusto ko mula pa noon. Isang buhay na tahimik.

Buhay na walang nanggugulo. At humahabol. At nambuwisit. At nanghihila.

Dapat masaya ako pero hindi iyon ang nararamdaman ko.

Ang daming gumugulo sa isip ko at bumabagabag sa damdamin ko.

Lahat ng sinabi sa akin ni Kley, lahat ng salitang binigkas niya ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.

Lahat ay malinaw na malinaw pa sa akin that everytime I try to close my eyes I could see his face and I could hear his voice. I could taste his lips and I could feel his kiss.

Niloloko ko ang sarili ko kung sasabihin ko na ayaw ko dahil ang totoo ay gusto ko. Gustong-gusto kong maniwala sa lahat ng pinagtapat niya na ayaw niya na may ibang lalaki akong kasama. Na lagi niya akong naiisip. Na nababaliw siya nang dahil sa akin. Na gusto niyang maging kanya ako

Ang sarap isipin, ang sarap sa pakiramdam.

Ang sarap sana.

Sana...

Kung totoo lang sana. Pero alam ko na hindi ko siya dapat paniwalaan.

Hindi isang tulad ni Kley Anton Artega ang magkakagusto sa isang tulad ko.

Napakaimposible!

Hindi sa minamaliit ko ang sarili ko pero realistic akong tao. He is Kley Anton Aretega. He's being adored by a lot of girls. Guys look up to to him. He has the name, look, money and status. Habang ako? I'm just Cielo, a nobody.

Tanga lang ako kung maniniwala ako sa kanya.

I am not a six years old kid na maniniwala sa lahat ng mga bagay na sinasabi sa kanya.

I know better.

Hindi totoo si Santa Clause.

Hindi totoong may sirena sa dagat.

Hindi totoo ang magic.

At mas lalong hindi totoo ang prince charming.

Marunong na akong malaman kung ano ang totoo sa kasinungalingan.

Kley is nothing but a walking book of lies.

Alam kong dahil pa rin ito sa 'war' sa pagitan naming dalawa.

Oras na para itigil namin ang 'war' na ito dahil sa tingin ko ay may nanalo na. At siya iyon.

Suko na ako. Ayaw ko na dahil nahulog na ako sa kumag na iyon.

May nararamdaman na ako para sa sa kanya. Gusto ko na siya.

Hindi ko alam kung kailan eksakto o paano o kung bakit. Noong bang sinabi niya na nababaliw siya sa akin? Noon bang na hinamon niya akong magsumbong? Noon bang unang beses niya akong hinalikan sa loob ng kotse niya? Noong nakasama ko na siya sa library?

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon