Chapter 61:Getting To Know Each Other

10.1K 246 13
                                    

Chapter 61: Getting To Know Each Other

The  air between Kley and me has cleared. Thank gods.

Dahil dito ay kung ano-ano na lang ang dinadaldal ko sa kanya habang sakay kami ng kanyang kotse. Papunta kami ngayon sa bangko para ipa-encash ang tseke ko. Mukhang hindi niya rin inaalintana amg pag-iingay ko. Maya't maya pa nga siyang napanangiti. Maya't maya rin niyang kinukuha ang kamay ko para halikan.

"Hindi ko talaga inexpect na ganoon kalaki ang makukuha ko Siguro nasa contract yun pero hindi ko lang napansin," I babbled.

"It's in the contract, baby," he said as a matter of factly while grinnimg.

Tatamu gin ko sana kung paano niya alam nang maalala lo na binasa niya munta ang kontrato ko bago ko iyon pirmahan.

Napangisi din ako. "Daan tayo sa money transfer pagkatapos natin sa bangko ha? Magpapadala ako sa probinsya! Sigurado na matutuwa sila. Ay wait lang, tatawagan ko yung pinsan ko!"

I excitedly fiahed my phone from my bag. Agad hinanap ang number ni Nikki. Matapos ang ilang ring ay may sumagot sa kabilang linya.

"Ate!" Masiglang bati sa akin ni Nikki.
"Hello, Nikki! Kumusta kayo d'yan?"

"Ayos lang kami dito. Si Nanay sinusumpong ng rayuma pero slight lang naman. Si Tatay naman 'yon, nag-iiinom na naman. Birthday kasi nung Daddy ni Kuya Brian. Dumaan nga pala yun dito kahapon, kinukumusta ka. Binigay ko yung number mo. Nagtext na ba siya sayo?"

"Hindi pa." Sagot ko naman. "Baka busy siya."

"Naku ate, nag-iipon pa 'yon ng lakas ng loob. Alam mo namang deads na deads sayo 'yon! Nung isang araw naman, nakita ko sina Esme at Badet sa plaza. Naku may kasama silang mga lalaki. Baka mga boyfriend nila. Naikwento na ba nila sayo yon?"

Natawa ako sa kadaldalan ng pinsan. "Oo, nung isang gabi naka-chat ko sila. Pinakita pa nga nila sa akin ang mga pictures nila."

"Tapos alam mo ba Ate si—" Hindi naituloy ni Nikki ang kanyang sinasabi. Narinig ko amg boses ni Tiyang Annie sa kabilang linya.

"Nikki, ang ate Cielo mo ba yan?" Tanong ni Tiyang.

"Opo 'nay! " Narinig kong sagot ni Nilki kay tiyang. Pagkatapos, "Ate kakausapin ka daw ni Nanay," saad niya sa akin.

Ilang sandali pa ang lumipas ang narinig ko ang pagbati ni tyang. "Hello,Cielo! Kumusta na, anak?"

"Okay lang po, tiyang. Wala po akong problema dito. Kayo po kumusta na? Kumusta na?

"Maayos naman dito, Cielo. Huwag kang mag-alala. Wala na kaming problema sa lupa. Tulad ng sabi ko sa iyo noong nakaraan tayaong mag-usap, nailipat  na sa pangalan namin ang mga titulo. Salamat sa papa ni Madi."

"Mabuti naman po kung ganoon. Eh si ano po... si..."

"Si Alfred ba?"

"Opo, tiyang." Mapait kong sagot.

"Naku eh hindi pa ron siya nagpapakita dito mula ng lumabas 'yong... ano bamg tawag doon? TRO? Oo, TRO. Iyong mga tauhan niya dati ay hindi na rin bumalik. Isa pa, ang balita ko nga ay may nililigawan na sa kabilang bayan."

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon