Chapter 63: Ulit

10.1K 250 21
                                    

Chapter 63: Ulit

The next day came.

It was nothing but another ordinary day. One class after the othr. Some were boring and some were interesting. I jotted down notes and tried my best to absorb what my professors were discussing. Actually, I was not as spirited as I usually am maybe because of my photoshoot and date with Kley yesterday.

Yes, I call that a date. Ano pa ba ang pwedeng itawag sa ginawa namain kung hindi 'date'. Kumain kami ng ice cream pagkatapos ay nanood kami ng sine. Tinulungan pa niya ako na mamili ng mga grocery supplies kaya gabi na kami nakauwi.

Hindi ko pa nga siya nakikita ngayong araw pati sina Madi, Coleen at George ay hindi ko pa rin nakikita. Malamang ay busy rin sila sa kanya-kanya nilang klase.

"Okay class, you may go now."

I heaved a sigh of relief when our professor dismissed us. This is my last class for theday. At dahil hindi ko makita kahit anino ni Kley at nang mga kaibigan ko ay uuwi na lang ako. Gugulong sa carpet ng condo at magtatamad-tamaran. But before that, dadaan muna ako sa cafeteria para bumili ng sandwich.

My stomach's begging for food. I need a quick snack dahil matagalan ako sa pag-aabang ng jeep. Inilagay ko ang notebook ko sa loob ng bag ko bago ako tumayo at lumabas sa classroom namin. Nang makapasok ako sa cafeteria ay walang madsyadong estudyante ang naroroon dahil siguro tapos na ang oras ng tanghalian. It was already two o'clock in the afternoon. Lumapit ako sa counter at dahil walang nakapila doon ay mabilis kong nabili ang pagkain ko. Chicken sandwich at bottled water. Pagkatapos kong magbayad ay umupo ako sa pinakadulong lamesa sa cafeteria. Tahimik lang akong kumakain  hanggang mabulabog ako ng tawanan ng isang grupo. Napatingin ako sa entrance at nakita ko ang pagpasok nina Julia, Karen at Denise pati na rin sina Gio, Mark, Justin at Lloyd. Iyong narinig kong tumatawa ay sina Gio at Mark para silang may pinag-uusapang kalokohan. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanila. Hinintay ko ang pagpasok ni Kley pero hanggang nakaupo sila sa lamesa ay hindi ko siya nakita.

I could not help but frown. Bakit hindi nila siya kasama?

Maybe because he still has class or he didn't go to school at all, katwiran ng isang bahagi ng utak ko.

Pero parang may iba akong pakiramdam. Agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa loob ng bag ko at tumipa ako ng message para sa kanya.

Where are you?

Pagkatapos kong pindutin ang send button ay inilapag ko iyon sa ibabaw ng lamesa para agad kong makita kung sumagot na siya kaya lang lumipas ang ilang minuto ay wala akong nakuhang sagot.

Hindi nagtagal ay dinampot ko ulit ang cellphone ko para sana ulit magtext sa kanya pero bago ko magawa iyon ay may pumasok na message. And it was from Kley.

From: Kley Artega
I'm under our acacia tree. Where are you?

I frowned. Of course, I know that 'our acacia tree' pero ang tanong ay bakit siya nandodoon. Agad akong nagreply sa kanya.

Huwag kang aalis dyan. Pupuntahan kita.

I disregarded his question. Isinabit ko sa balikat ko ang bag ko. Dinala ko rin iyong sandwich na hindi ko pa nakakalahati at ang bottled water. Sayang naman kasi kung iiwan ko.

Maraming puno ng acacia sa university pero iba pero kahit ganoon ay hindi ako nahihirapang hanapin ito. It was different from the other tree not because it has glimmering leaves or golden trunks. It actually looked like any other tree inside the campus. Ang kaibahan niya sa iba ay ang ang mga memories namin ni Kley doon. All the good and tthe bad. The laughing and the crying. Pati na yung mga hugs and kisses.

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon