Chapter 36: No

12K 247 36
                                    

Chapter 36: No

Patay.

Kley stared daggers at me. Mabuti na lang at hindi nakakamatay ang titig kung hindi ay sigurado akong hindi na ako humihinga.

Nabalot ng katahimikan ang buong caf. Lahat ay sinundan ang tingin ni Kley kaya ngayon ay sa akin na nakatutok lahat ng mga mata.

Nanginginig hindi ang mga kamay ko kundi ang kamay na nakahawak sa akin. Sa tingin ko ay nakita din niya ang masamang tingin ni Kley

"C-ciel a-are w-we g-gonna d-die?" Tanong ni Michael sa akin. Hindi na ako magtataka kung bumagsak ang isang 'to dahil sa sobrang takot.

Napabuntong hininga ako. Kailangan ko munang iligtas si Michael. Binawi ko ang kamay ko pero hinawakan ko ang kanyang balikat.

"Huwag kang OA Michael. Hindi ka mamamatay," saad ko at tumawa ng pagak. Ako lang. "Ang mabuti pa, umalis ka na muna. Saka na tayo magsabay kumain. Okay?"

Dahan-dahang tumango si Michael. At naawa talaga ako sa kanya lalo na nang mapansin ko na pati baba niya ay nanginginig.

Akala ko ay kailangan ko pa siyang alalayan palabas ng cafeteria pero salamat at nagawa niyang maglakad at makalabas ng mag-isa.

Huminga ako ng malalim. Now I have to face kamatayan este si Kley pala.

He was still standing on the same spot pero lalo yatang nag-alab ang galit sa kanyang mata kumpara kanina.

Buong tapang ko siyang hinarap pati na ang kanyang titig. Kasalanan ko naman talaga kung bakit siya dinumog ng mga kaklase kong babae pero may kasalanan din naman siya.

Sa kanya naman talaga nagsimula lahat ng ito.

Kung hindi siya gumawa ng eksena kanina ay hindi ko naman kailangang magsinungaling.

Kaya bakit ako matatakot? Hindi ako natatakot!

But then he moved and my knees shook.

Shit!

Hindi ka takot, Cielo! Kinakabahan lang.

Ang unang mga hakbang ni Kley ay dahan-dahan at mapanganib. Ayoko ng ganito. Bakit ba hindi na lang siya mabilis na lumapit saka hablutin ng marahas ang braso ko? Bakit para siyang leon na buong ingat munang magmamasid at lalapit bago niya sunggaban ang walang kamalay-malay niyang biktima?

Ughh! This is torture! Lalo na't bawat pagtama ng paa niya sa sahig ay dinig ko. Nasaan na ba 'yong maiingay na nagchi-cheer ng away kanina? Pati yata paghinga ay hindi nila ginagawa.

Kley was inching closer and closer. Pumapalya na ang tibok ng puso ko.

Ok fine! I admit it. Natatakot na talaga ako! So I moved my left foot backward. And without any word ay ipinihit ko ang aking katawan upang tumakbo sana palabas. Pero hindi ako nagtagumpa dahil sa isang iglap ay hawak na ako ni Kley.

"Where are you going? Tatakas ka?" Bulong niya.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa braso dahil naramdaman ko ang panganib na kalakip ng kanyang boses.

"Kley... I'm sorry... Uhhh..S-sorry talaga. H-hindi ko naman intensyon na-"

"Sorry? Hindi ako tumatanggap ng sorry lang."

"Ano bang g-gusto mo?" Tanong ko habang pilit kong tinatanggal ang mga braso niyang mahigpit na nakahapit sa beywang ko kahit na hinang-hina ako. Pakiramdam ko ay hinihigop ni Kley ang aking lakas.

Sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay binitawan niya ang katawan ko. Ang buong akala ko ay tuluyan na niya akong pakakawalan pero bago pa ako makahuman ay mabilis niyang hinawakan ay kamay ko at hinila palabas ng cafeteria.

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon