Chapter 40: Secrets Revealed

12.8K 266 32
                                    

Chapter 40: Secrets Revealed

The past few days of my life were just beyond happy. I couldn't find the exact word to describe what I am feeling.

Happy was an understatement.

Kung alam ko lang na magiging ganito ako kasaya kapag sinagot ko si Kley ay sana'y noon ko pa ginawa.

We're inseperable.

Sinamantala namin na sembreak kaya kung saan-saan kami nagpunta. We went back to Tagaytay once, tapos pumunta rin kami sa Enchanted Kingdom. Sumakay kami halos sa lahat ng rides but the most special was when we rode the ferris wheel.

Napakawak ako sa dibdib ko at kinapa ang suot kong kwintas.

Kley gave this to me when our pod reached the top of the wheel. Mayroon iyong diamond pendant. Hindi gaanong kalaki ang bato. The fact is, kapares iyon ng hikaw na suot ni Kley. Pinagawa niyang pendant at siyand ibinigay niya sa akin.

What more could be romantic than, a sun setting, a sky painted in orange and pink and a ferris wheel? I was lost for word when he gave me the necklace. I did not even manage to say thank you. Ang tanging nagawa ko na lang ay halikan siya.

Which he very much liked.

"Cielo!" I heard someone called my name.

Napalingon ako sa lobby ng condo building. Hindi nagtagal ay nakita ko si Coleen na palapit sa akin

"Saan ka galing?" Tanong niya sa akin pagkatapos niya akong yakapin.

"Nag-grocery lang." Sabi ko sabay pakita ng mga supot na naglalaman ng mga pinamili ko.

"Mabuti na lang at nakita kita. Pasakay na sana ako sa elevator. Let's go?"

Tumango ako at sabay kaming sumakay ng elevator.

Nang makarating kami sa loob ng condo ay nagtuloy ako sa kusina. Sumunod si Coleen sa akin at umupo sa harap ng dining table. Nilapag ko lahat ng hawak ko malapit sa kanya upang magtimpla ng juice.

"Nagpunta ako dito para tanungin ka kung anong araw ka mag-eenroll. Gusto mo ba sabay na tayo? Kasi kung hihintayin natin si Madi ay baka maubusan ka ng slots. Ang dami niyo pa naman sa college niyo. Kami kahit last day of enrollment kami mag-enroll ay okay lang."

"Okay lang ako, Coleen. Bukas na lang siguro ako pupunta sa school."

Tumango si Coleen at ininom ang juice na ibinigay ko. "Okay, hihintayin ko na lang si Madi. Thursday pa kasi ng gabi ang balik niya."

Umuwi kasi si Madi ng San Carlos. Gusto ko sanang sumama sa kanya pero sinabihan niya ako na huwag muna.

Nagkwentuhan pa kami ni Coleen nang kung ano-ano. Halos dalawang linggo din kaming hindi nagkita.

Naging abala kaming lahat sa pagre-review at nang matapos naman ang finals at sumapit ang sembreak ay sumama siya kay Madi sa San Carlos at ako naman ay kung saan-saan nakarating kasama si Kley.

"I wish, mas marami akong araw nakapagstay ng San Carlos. Five days' not enough para masulit iyong ganda ng lugar. " Fascinated na kwento ni Coleen. "And oh! Tinuruan akong sumakay ng horse ni Madi. I was so scared at first kasi baka masipa ako pero sa huli ay natuto ako. Then we went to that batis. Ang ganda doon, Cielo, kaya hindi ako napigilan ni Madi. I took a dip kahit wala akong dalang pamalit. Pero alam mo ba kung ano ang pinakamemorable sa akin? When Madi and I went on top of a hill tapos pinanood namin yung sunset. I have pictures. Do you wanna see it. "

Tumango ako at agad niyang kinuha ang kanyang cellphone. Inabot niya sa akin iyon at isa-isa kong ini-scroll ang mga pictures.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng makita ang mga larawan. I badly miss home.

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon