Chapter 33: Bakit Ako?

12K 255 28
                                    

Chapter 33: Bakit Ako?

Kung ano ang saya nararamdaman ko kaninang magising ako ay siya namang sakit at hapding nararamdaman ko ngayon.

Masakit talaga kapag isinampal na mismo sa iyo ang realidad. Kahit anong binuo mong paniniwala at pag-asa ay guguho na lang bigla.

Muntik na. Muntik na nang magbago ang isip ko. Muntik na akong maniwala sa mga kasinungalingan. Muntik na akong mapaniwala ni Kley na totoo amg fairytale.

Tama si Julia. Dapat pasalamatan ko siya dahil kung hindi dahi sa kanya malamang ay nag-iilusyon pa rin ako.

Ngayon alam ko na na hindi ako isang prinsesa.

Walang fairygod mother.

Walang witch.

Walang magic.

Walang happily ever after at mas lalong walang prinsepe.

Hindi si Kley, hindi kahit sino.

Amg sakit. Ang sakit sakit. Gusto ko magalit kay Kley. Gusto kong sisishin si Julia pero alam ko na ang totoong may kasalan kundi ako. Kasalanan ng puso ko na nahulog at umasa.

I was crying habang naglalakad ako sa hallway.

Simula nang makilala ko si Kley, lagi na lang akong umiiyak. Lagi na lang akong masaya. Bakit hindi na lang pwedeng masaya? Bakir parating may iyak. Oh, yeah. Kasi nga pinaglalaruan lang niya ako.

Patuloy ako sa paglalakad na tila may sariling isip ang aking mga paa. Hanggang nakarating ako sa isang lugar.

Bakit ba ako laging dito napupunta? Sa ilalim ng puno ng acacia na ito?

Gusto ko sanang tumalikod at umalis pero habang tinitignan ko ang mga nagsasayaw na dahon at napakikinggan ko ang mabining kaluskos ay bahagyan kumalma ang sistema ko.

Kaya sa halip na umalis ay humakbang ako papunta doon sa likod ng punto upang magtago. Pero nanag makita ko kung sino ang nandoon ay gusto ko tumakbo kaagad dahil kumirot ng sobra ang puso ko.

Nakaupo siya sa lupa si Kleu. Nakahilig ang likod niya sa puno at ang ulo niya ay namamahinga sa kanyang nadalawang braso.

His eyes are open ngunit parang napakalayo ng iniisip niya.

Tumalikod ako at akmang maglalakad paalis pero huli na. Nakita niya ako. Agad siyang tumayo at hinawakan ang balikat ko.

I stayed still. Nakatayo ako patalikod sa kanya dahil hindi ko mapigilan ang mga luhang tuloy-tuloy na umaagos sa aking mata.

"Cielo...." he said. And I can't believe that his voice was laced with sadness. Na para bang maging siya ay nasasaktan.

Matapos ang ilang sandali ay naramdaman ang marahan niyang paghila sa akin. Lumapat sa matigas niyang dibdib ang aking likod. He slowly wrapped his arms around my waist.

"Cielo...." bulong ulit niya.

"Bitawan mo ako," I managed to say. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil nasabi ko ang mga iyon sa matigas na boses.

Pinilit kong kumawala sa kanya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang kanyang yakap.

"Please don't," sabi niya pa. "Can we stay like this forever?"

I close my eyes. Bakit? Bakit kaunting salita lang niya at gusto ko na namang maniwala. Kaunting yakap at gusto ko na namang umasa.

Ang tanga mo Cielo !

"Just let me go!" Gamit ang buong lakas ko ay nagawa ko makawala. Humarap ako sa kanya. Wala akong pakialam kahit makita niya akong umiiyak.

Gusto ko lang ay matapos ang kahibangang ito!

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon