Chapter 83: Property

8K 292 38
                                    

Chapter 83: Property

"Ang buong akala ko nanganganak ka na kaya ang daming tao sa harap ng bakuran natin," napapailing na saad ni Tiyang Annie habang nilalapag ang mga pinamili niyang gulay at isda sa ibabaw ng lamesa. "Aba'y kinabahan talaga ako. Napatakbo pa ako papunta dito. Iyon pala ay live show ang nagaganap."

Mas lalo nalukot ang mukha ko. Live show?ula kay tiyang ay napadako angga mata ko mga kumpol ng babae. They were leaning on our fences.  Ang iba pa nga ay naka salumbaba, kumikislap ang mga mata at naglalaway.

I gritted my teeth and turned my gaze to Kley. Abala siya sa pagsisibak ng mga kahoy na gagamiting panggatong.

Ano bang meron kay Kley at napapatigil sila sa paglalakad at napapatitig. Nagsisibak lang naman siya ng kahoy. He's not doing anything exceptional pero wagas kung makahatak ng audience. Ang iba'y napapatili pa kapag iniaamba niya ang palakol sa kahoy.

At ang kumag mukhang nag-eenjoy sa nakukuha niyang atensyon. Nakikita ko ang maya't maya niyang pagngiti na mas lalo namang nakadadagdag sa pagngingitngit ng kalooban ko.

"Tiyang, paalisin mo nga ang mga iyan. Ang iingay. Hindi naman artista si Kley para tilian nila." Hindi ko itinago ang inis sa boses.

Napatawa naman ng bahagya si Tiyang sa sinabi ko. "Yan ang hirap kapag gwapo ang asawa, lapitin ng mga babae. Kaya nga ako, kahit ang daming gwapo na nanligaw sa akin ay ang Tiyong Castor mo pa rin ang pinili ko. Sa una lang kasi masarap magkaroon ng gwapong asawa pero sa katagalan ang sarap ay magiging sakit ng ulo dahil lapitin sila ng tukso. Kaya ikaw, dahil pumili ka ng gwapong asawa, kailangang bakuran mo ng maigi."

"Hindi ko po asawa si Kley. Ex-boyfriend ko siya," mariin kong sabi. "At parang nagsisi akong pumayag ako na dumito siya sa atin."

No. Scratch that.

Kung iisipin ng maigi ay hindi naman talaga ako pumayag sa lahat ng ito. Matapos naming mag-heart to heart talk ni Madame Henrietta ay wala naman akong sinabi na bibigyan ko pa ng isang pagkakataon si Kley. Hindi ako sumang-ayon pero hindi rin naman ako umayaw. I wanted to rethink everything so I didn't say yes or no.

Ang isa ko pa sigurong pagkakamali ay ang hindi pagsalisa usapan ng mga matatanda. Dahil sa sobrang antok kahapon ay nagpaalam ako na matutulog pagkatapos ng tanghalian. They let me, so I happily wandered in dreamland while they do all the talking.

When I woke up late that afternoon, Arah, Tito Anton, Tita Bianca and Madame Henrietta were gone. Ang naiwan na lamang ay si Kley at ang kanyang malaking maleta.

Nagulat ako nang sabihin sa akin ni Tyang na napagkasuduan nila na dito muna sa amin titira si Kley para maalagaan ako at masubaybayan ang pagbubuntis ko. Hindi ako makaapela dahil nagkasundo-sundo na sila. And they didn't bother to consult me.

Pero amg pinaka ikinagulat ko ay ang naging pakikitungo nina Toyang Annie at Tiyong Castor kay Kley. They treated him fondly, tila magkasundong magkasundo na sila. Nagawa pa talaga nilang magkwentuhan at magtawan sa harap ko. And even Nikki showed fondness toward Kley. Kuya na nga ang tawag niya sa huli.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari habang natutulog ako. Maybe they were lured with Kley's overflowing charm. Sa sobrang pagkagusto ni Tiyang kay Kley, she suggested that Kley would sleep in my room.

Ang na wala na namang mawawala sa akin dahil matagal ko nang naisuko. At buntis na naman daw ako. Hindi ako pumayag kaya sa huli ay sa sala natulog si Kley.

I sighed. Mula pa kahapon ay inis na inis ako sa mga nangyayari. Tapos ngayong umaga naman ay may maiingay na nagpapaka-fangirl sa harap ng bahay namin.

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon