LITRATO
Habang si Clarisse ay busy sa pagkukuha ng litrato, nakaramdam siya ng pagod. Napag-isipan niya munang magpahinga. Si Clarisse ay isang photographer. Mag-isa siyang kumukuha ng litrato sa isang abandonadong eskwelahan na napapaligiran ng maraming puno.
Habang nagpapahinga siya, tinitingnan niya ang mga nakuha niyang litrato. Sa isang litrato, may nakita siyang babae na nakasilip mula sa loob ng building, pero hindi niya pinansin.
Nagsimula na ulit siyang kumuha ng litrato. Nang matapos siya ay niligpit niya ang gamit niya. Umupo siya sa loob ng sasakyan at tiningnan ang mga litrato. Napatigil siya sa isang litrato kung saan may babae ulit na nakasilip.
"Hala. Wala naman akong kasama ah." Sabi niya. Naka peace sign ang babae at nakangiti ng nakakakilabot. Nakasuot ito ng uniporme. Dali-dali nyang pinaharurot ang sasakyan papalayo sa eskwelahan. Nakahinga siya ng maluwag nang makalayo siya sa eskwelahan.
Di nya napansin na ang babae sa litrato ay kasama niya sa sasakyan. Lumingon siya sa backseat para kunin ang tubig niya pero nakita niya ang babae sa litrato na naka finger heart at ngumiti ng nakakakilabot sabay sabing "Walang forever"
Dahil sa gulat, nawala ang control ni Clarisse sa manibela at nabangga sa puno ang sasakyan. Ngiting tagumpay ang babaeng multo at sinabing "Wala talagang forever. Tsk tsk tsk. "
Naglaho na ang multo na parang bula at dumating na ang ambulansya. Walang nakakaalam kung sino ang tumawag ng ambulansiya. Sa kasamaang palad, namatay si Clarisse. Nabasag din ang camera.
BINABASA MO ANG
Compilation of Short Stories and One Shots
SonstigesFeel free to read my one shots and short stories with different genres! Some are based in real life experiences. Some characters are my friends but I used different names. Some attitudes of the characters are based on the people around me. 'Some', n...