Distress

56 5 0
                                    

Katy's POV
"Katy! Ilag!" Napalingon ako pero agad din akong natumba nang may tumama sa mukha ko.

"Ouch!" Sabi ko habang nakahiga sa sahig. What the flower! Ang sakit ng mukha ko! Lalo na ang lips ko.

Maling desisyon pala ang ginawa ko. Sana hindi na lang ako dumaan dito sa basketball court. Huhu! Ang sakit. Tinakpan ko ang mukha ko habang nakahiga pa rin sa sahig.

Ang sakit kaya! May humawak sa braso ko at pinaupo ako. Tsaka ko narinig ang mga tawag sa 'kin ng mga kaibigan ko.

"My gosh Katy!"
"Clumsy mo!"
"Hays, ingat sa susunod."
"Katy, hahaha! Epic!"

Kita mo, imbes na tanungin nila ako kung okay ako, ininsulto pa ako at pinagtawanan. Di bale, sanay na ako.

"Okay ka lang, Katy?" Tanong ng isang pamilyar na boses at kinuha ang kamay ko sa mukha ko kaya nakita ko kung sino.

Si Dan. Classmate ko since my first year in highschool. Actually, 'di kami close since grade 7, grade 11 na kami ngayon.

Tumango ako sa tanong niya.
"Dumudugo 'yung lips mo." Sabi niya. Agad kong kinuha ang panyo ko sa bag ko at nilagay sa lips ko, tsaka tiningnan kung may dugo nga ba at meron nga. Binalik ko ito sa lips ko at tumingin kay Dan na nakaluhod sa harap ko at naka-jersey. Nakatingin lang siya sa 'kin hanggang sa makalapit ang mga kaibigan ko. Napatingin ako sa kanila dahil nagbabangayan sina Gina at Zia.

"Oy, libre niyo 'ko. Tama 'yung hula ko eh." Sabi ni Gina.
"Bahala ka diyan." Sabi ni Zia at inirapan siya.
"Oy, ako rin." Singit ni Angel.

Binalik ko ang tingin kay Dan na hanggang ngayon ay nakaluhod sa harap ko habang nakahawak pa rin sa braso ko at nakatingin sa 'kin. He seemed to be lost in his own thoughts. I wonder what he is thinking right now. Pinagtatawanan na niya siguro ako sa isip niya dahil sa clumsiness ko. Aish, napahiya ako kay crush. Why was I born with clumsiness?

Dan's POV
Naglalaro kami ngayon ng basketball kasama ng mga kaibigan ko sa basketball court.

Nawalan ako ng focus nang makita ko si Katy. Beautiful. As usual, kasama niya ang mga kaibigan niya pero nasa likod niya ang mga ito at medyo malayo sa kanya ng ilang hakbang. They're talking about something.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang bola na bumubulusok papunta sa direksyon ni Katy.

"Katy! Ilag!" Sigaw ko. Napalingon siya at natamaan siya ng bola sa mukha kaya napahiga siya.

"Ouch!"

"Dan, 'di mo kasi sinalo eh. Ayan tuloy, nasaktan si Katy." Sabi ni Daniel.

"Sino? Ang bola o si Katy mismo?" Tanong ni Charles habang nakangisi. Di ko sila pinansin at lumapit na lang kay Katy na ngayon ay nakahiga sa sahig at nakatakip ang mga kamay niya sa mukha niya.

Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang braso niya tsaka ko siya pinaupo. Narinig ko pa ang sinabi ng mga kaibigan niya pero di ko na pinansin. Nakatingin lang ako kay Katy. Bakit ba nasaktan ko si crush?

"Okay ka lang, Katy?" Sabi ko at inalis ang kamay niyang nakatakip sa mukha niya. Tumango siya at tsaka ko lang napansin ang lips niya na dumudugo.

Compilation of Short Stories and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon