Joanna Marie Perez
"Okay, one tan tan, two tan tan, three tan tan, four tan tan, five tan tan, six tan tan, seven tan tan eight tan tan, theeen ikot!" Sabi ko habang sumasayaw ng Folk dance. Project in MAPEH eh."Agai--"
"Excuse me. Uhm, what group are you?" Agad akong napatingin kay Sir Mark nang tanungin niya kami.
"Group 4, Sir." Sabay-sabay naming sagot."Bakit one tan tan, two tan tan ang counting niyo? Diba dapat one two three, two two three, three two three, four two three and so on?" Tanong ni Sir at tumawa.
"Kasi Sir, nakakalito kapag one two three, two two three eh." Sagot ni Crush- este, sagot ni Eros.
"Sabagay." Sabi ni Sir at tumawa tsaka umalis."Ulit tayo Joanna!" Sabi ni Ellie.
"Oh sige. Figure five--"
"Teka teka. Ano nga ang figure five?" Napairap na lang ako dahil sa tanong ni Jack."Bakit ba ang bilis mong makalimot!?" Sigaw ni Sunshine sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako.
"Sunshine, wag ka ngang sumigaw." Sabi naman ni Althea.
"Kasalanan kasi ni Jack eh!" Sigaw ulit ni Sunshine.
"Ingay niyo." Dinig kong sabi ni Crush-- este ni Eros na nasa tabi ko lang.
"Ohhh, bakit ako?" Depensa ni Jack sa sarili.
"Tumigil nga kayo!" Sabi ni Ryko pero di siya pinansin nina Sunshine at Jack at nagpatuloy lang sa pagbabangayan. Aww, poor Ryko, di napapansin."Oyyy!" Sabi rin ni Jet. Aww, poor Jet, di rin napapansin. Palibhasa, ang liit kasing nila dalawa ni Ryko eh.
"Tumigil na nga kayo!" Sigaw ni Ellie, dahilan para mapatingin sa kanya si Jack at tumigil sa pagbabangayan.
"Si Sunshine kasi eh!" Nagtatampong sabi ni Jack. Nagsalubong naman ang kilay ni Sunshine.
"Ba't ako? Ikaw kaya!" Sigaw ulit ni Sunshine. Napahawak ako sa noo ko at bumuntong hininga. Keri mo 'to Joanna.
"Kalma ka lang." Sabi ni Crush-- este ni Eros. Yiee! Kinilig tuloy akoo!
Tumingin sa 'kin si Ellie na para bang humihingi ng tulong. I understand her. Ikaw ba naman maipit sa dalawang taong nagbabangayan at halos maputol na ang ngalalangala sa sigaw, samahan mo pa ng nakamamatay na tingin.
Napailing na lang ako.
-----------
Hays! Mabuti na lang natapos na ang performance! Wala na akong rason para mastress!
Bigla kong naalala ang program bukas. Highschool day bukaaas! Tapos may program kami sa classroom na Mr. Nobel 2019. Yieee! Excited na iz meeh! Sino ba naman ang hindi mae-excite kapag sumali ang crush mo tapos ikaw ang muse niya?
Omaygiiiiiii! Hooo! Breathe! You can do this Joanna! Woooo!
[HIGHSCHOOL DAY]
"Good afternoon Nobelians! This is the most awaited moment of our Highschool Day!" Sabi ni Sunshine habang ngiting-ngiti. Emcee sila ng class president namin ngayon sa Mr. Nobel 2019.

BINABASA MO ANG
Compilation of Short Stories and One Shots
RandomFeel free to read my one shots and short stories with different genres! Some are based in real life experiences. Some characters are my friends but I used different names. Some attitudes of the characters are based on the people around me. 'Some', n...