Shanelle's POV
Hala hala male-late na 'kooo! Binilisan ko ang paglalakad papunta sa sakayan habang sinusuklay ang napakahaba kong buhok.Nang makarating ako sa sakayan, may nakita akong bus di kalayuan sa 'kin kaya pumara ako. Tumigil ang bus sa harap ko at bumukas ang pintuan nito. Agad akong pumasok at naghanap ng mauupuan. Nakahanap naman ako ng mauupuan. Sa tabi ng isang lalaking cute na taga-ibang school base sa uniform niya.
Umupo ako sa tabi niya at tinago ang suklay ko sa bag. Kinuha ko ang phone kong basag ang screen dahil sa fishteang Wattpad. Naiinis ako sa character kaya naibato ko ang phone ko. Nabasag tuloy.
Nagbabasa ako ng story kaya lang di ako makapag-concentrate dahil nakatingin yung lalaking cute sa 'kin. Oo, sa 'kin. Hindi sa binabasa ko na hindi ko maintindihan.
Patuloy sa pag-andar ang bus habang patuloy pa rin akong nagbabasa. Pinipilit kong wag siyang pansinin kaya lang hindi ko talaga kaya eh. Nadi-distract ako.
Lumapit ang konduktor sa 'kin at tinanong kung saan ako bababa.
"Sa DMLMHS po." Sagot ko naman.Nagbayad na ako at binigyan niya ako ng ticket.
Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin na tumitingin ang lalaking cute sa 'kin.
Tumingin rin ako sa kanya kaya nagkatinginan kami. Agad akong umiwas ng tingin dahil naiilang ako pero siya, ang lupet! Nakatingin pa rin! Huhuhu! Naiilang na talaga ako.
Hindi talaga kasi ako sanay na tinitingnan eh! Tumingin ako sa labas ng bintana at nakitang malapit na ako sa school.
Maya maya pa, tumigil na ito sa tapat ng school namin. Agad akong bumaba ng bus. Pumasok na ako sa school at pumunta sa classroom namin.
Inilagay ko ang bag ko sa upuan ko sa loob ng classroom at lumabas ulit ng room. Nakita ko si Elisse na nagwawalis sa labas. Assigned area niya kasi sa labas.
"Elisse! May ik-kwento ako!" Pasigaw kong sabi. Napapitlag siya at tumingin sa 'kin.
"Ano?" Tanong niya. Patakbo akong lumapit sa kanya.
Nang makalapit na ako, sinimulan ko nang ikwento ang mga nangyari kanina tungkol sa lalaking cute na tingin ng tingin sa 'kin.
"Sure ka? Baka naman hindi ikaw ang tinitingnan?" Tanong niya.
"Sigurado ako. Ako yung tinitingnan niya!" Sabi ko at pumadyak-padyak pa.
"Talaga?" Nang-aasar na tanong niya habang nakangisi.
"Oo nga! O baka nag-assume lang ako. Pero ako talaga ang tinitingnan niya eh!" Sabi ko. Tumawa siya ng mahina.
"Oo na. Ikaw na maganda." Sabi niya at pumasok sa classroom.Napaisip naman ako sa sinabi niya. Sobrang ganda ko siguro kaya nakatingin sa 'kin ang lalaking cute. Agad akong napailing. Ano na naman bang kahanginan ang pumapasok sa utak ko?
Pumasok na rin ako sa classroom at umupo sa upuan ko. Sana 'di ko na ulit siya makasabay. Oo, cute siya, pero yung mga tingin niya nakakailang, nakakahiya.
THE NEXT DAY--
Naglalakad na ako papunta sa sakayan. This time, mas inagahan ko pa. Para di ko na makasabay yung lalaking cute na nakakailang kung tumingin.

BINABASA MO ANG
Compilation of Short Stories and One Shots
RandomFeel free to read my one shots and short stories with different genres! Some are based in real life experiences. Some characters are my friends but I used different names. Some attitudes of the characters are based on the people around me. 'Some', n...