Star's POV
"Hi Ate Star!" Kumaway ako kay Cloud. Siya ang nakababatang kapatid ko. He's 8 years old. Ang haba nga ng age gap namin eh. 11 years.
"Ate Star!" Kumaway ako sa classmate ni Cloud. Kilala na ako nila.
"Ate, siya si Peach. Ang ganda niya po ba diba?" Sabi ni Cloud habang nakahawak sa kamay ko.
Mahina akong napatawa. Playboy talaga! Mana sa iba ko pang kapatid. Yep, may iba pa akong MGA kapatid at puro lalaki. Ang unfair nga eh kasi nag-iisa akong babae.
May dalawa pa akong Kuya. Tapos may dalawa akong nakababatang kapatid. Yung isa 2 years ang age gap namin tapos yung isa si Cloud.
Pare-parehong playboy. Ako lang siguro ang matino sa 'min.
"Oo na. Tara na uwi na tayo." Hihilahin ko na sana siya kaya lang may tinawag siya.
"Kuya Sky!" Sky? Napatingin ako sa likod ko dahil doon nakatingin si Cloud.
My heart started beating faster. Si Sky! Mygahd! Si Sky Dela Fuente my labs! Siya lang naman po ang taong mahal na mahal ko. Classmate ko siya.
Ngumiti si Sky at kumaway kay Cloud. Napatingin si Sky sa 'kin kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako pabalik. Tumingin ako kay Cloud at ang lapad ng ngiti niya.
"Ate, si Kuya Sky ang pinsan ni Peach." Tumango lang ako.
"Star." Tumingin ako kay Sky na nasa harap na namin at kasama niya si Peach.
"Yep?" Sabi ko. I'm trying to stay calm ya know.
"Sabay na lang kayo sa 'min ni Peach. Magkalapit lang naman ang bahay natin diba?" Suggest niya.
"Ate! Pumayag ka na Ate!" Sabi ni Peach habang may malapad na ngiti.
"Okay."
"Yehey!"Sky chuckled dahil sa kakulitan nina Peach at Cloud.
Agad na hinila ni Peach si Cloud kaya bumitaw ako kay Cloud.
Tumakbo na sila kaya sumunod kami ni Sky.
Nabigla na lang ako nang inakbayad ako ni Sky.
"Paakbay muna Star. Nangangalay ang braso ko eh." Sabi niya kaya hinayaan ko na lang siya.
Hala! Christmas party nga pala mamaya.
Sumakay na kami sa sasakyan na dala ni Sky at umuwi.
[TIME SKIP: CHRISTMAS PARTY]
"Hi Ma'am. Merry Christmas po." Bati ko kay Ma'am pagkapasok ko sa room.
"Hi guys! Merry Christmas!" Bati ko sa mga classmate ko. Binati rin naman nila ako pabalik.
Yiee! Ang gaganda at ang guguwapo nila ngayon ah!
Nag-usap lang kami nang nag-usap hanggang sa dumating ang taong pinakahinihintay ko.
BINABASA MO ANG
Compilation of Short Stories and One Shots
RandomFeel free to read my one shots and short stories with different genres! Some are based in real life experiences. Some characters are my friends but I used different names. Some attitudes of the characters are based on the people around me. 'Some', n...