Locked

89 5 0
                                    

Rasha's POV

"Rasha!" Napaangat ako ng tingin nang may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Clint na nasa kabilang kalsada habang kumakaway sa 'kin.

Ngumiti ako at kumaway pabalik nang may nagsalita sa tabi ko.
"Yieee!" Napatingin ako at nakita si April na nakangiting nakakaasar. Nakaupo siya sa katabi kong upuan dito sa labas ng campus.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~" Kanta niya na ikinasimangot ko. Because you know, MU kami ni Clint dati. Take note, dati. Tapos na 'yon. Move on na ako. Friends na kami.

"Sige, April. Ituloy mo pa kukutusan kita." Sabi ko sa kaniya. Tinawanan niya ako at biglang tumakbo nang may nakita siya sa kabilang gilid ko. Napatingin ako doon at nakita si Clint na masama ang tingin kay April na ngayon ay tumatakbo. Lumingon si April sa amin at nag-wave pa bago nagtatakbo ulit. Nakapunta agad dito si Clint? Ang bilis niya ah?

"Clasha!" Napatingin kami kay Andrei na kakarating lang habang nakangising nang-aasar. Clasha, that's our ship name before.

"Sige, Drei. Go lang. Pero siguraduhin mo na mas matangkad ka sa 'kin." Nang-aasar na sabi ni Clint. And, the bangayan started. Napairap na lang ako.

"Oh, nandito si Peter oh! Hi Peter! Inaagaw ni Clint si Rasha mo." Sabi ni Drei kay Peter na naglalakad papalapit sa amin. OMG, isa sa mga crush ko!

Walang naging reaksyon si Peter at nakatingin lang sa amin.

Sina Clint, Andrei, April at Peter ay classmates ko noong Elementary. Hindi na nga lang ngayon dahil magkakaiba kami ng sections. But then, our bond remained the same. Yun nga lang, medyo nililimitahan namin dahil involved na ang feelings namin dito. You know, love, crush, like.

"Nakuha niyo na ang card niyo?" Tanong niya nang makalapit siya sa amin. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko iyon.

"Ay, syete. Nakalimutan ko sa taas!" Sabi ko at napatampal sa noo ko. The main reason kung bakit kami nandito is to get our card.

Napatingin ang tatlo sa akin.
"Ay, dali kunin mo. Sasamahan ka namin. 'Di ba, Peter? Clint?" Tanong ni Drei at diniinan pa ang pagbigkas sa pangalan nina Peter at Clint. What's with the emphasis?

Tumango naman ang dalawa. Agad akong tumayo.
"Tara! Baka na-lock na ang room. Sa terrace ko pa naman yun naiwan." Sabi ko.

Nauna akong maglakad pabalik sa loob ng campus. Sumunod agad sila. Umakyat kami sa building kung saan ang classroom.

Pagdating namin sa harap ng room, nakasarado ang pintuan. Mabuti na lang at hindi naka-pad lock. Binuksan ko ang pintuan at nilibot ang tingin kung may tao pa.

Wala na. So bakit hindi nila ni-lock ang pintuan? Tsk. Nakalimutan siguro. 'Di bale, ako na lang ang magl-lock niyan mamaya.

"Tara samahan niyo 'ko." Sabi ko sa tatlo at pumasok sa loob. Ramdam ko naman na sumunod sila. At dahil mainit at direkta ang sikat ng araw sa room namin, sinarado ni Peter ang pintuan.

Compilation of Short Stories and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon