Zanaiah's POV
"Ma'am! Villerguez spoke bad words!" Luh!?
"No Ma'am. I didn't." Sabi ko kahit na may pagkain pa sa bunganga ko.
'Di kami pinansin ni Ma'am. Mabuti naman. Tinago ko na ang pagkain sa bag ko.
"Ikaw Isidor ah, 'wag mo 'kong pag-tripan." Bulong ko kay Isidor at hinampas siya pero tinawanan niya lang ako. Grabe ah.
"Gusto mo hampasin rin kita?"
"Luh, 'wag ako. Lalaki ka kaya."
Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pag-drawing.Hi! I'm Zanaiah Villerguez, 17 years old, Grade 11.
"Zanaiah!" Napalingon ako kay Tihume (Tiyumi) na nasa likod ko.
"Pahiram ng suklay." Kinuha ko ang suklay sa bag ko at binigay sa kanya.
"Zanaiah pahiram ng ballpen." Kumuha ako ng ballpen at binigay kay Luei (Luwi). Nginitian niya ako.
"Thank you, milady." Sabi niya. Mabuti pa si Luei, mabait na, gwapo pa. Si Isidor, gwapo nga, ang hilig namang mang-asar.
"You're welcome, milord." Sabi ko sa kanya.
"'Wag na nga kayong maglandian. Itapon ko kaya kayo sa Mars." Napalingon kami kay Andreo (Andreyo) na nasa tabi ni Tihume.
"Bitter." Sabay naming sabi ni Tihume. Umayos na ako ng upo at nagpatuloy sa pagdrawing.
"Zanaiah Villerguez, Tihume Zaragoza, Andreo Garcia, Isidor Hernandez and Luei Vergara, come here."
Natigil ako sa pagdrawing nang tawagin ni Ma'am ang pangalan namin. Tinago ko sa bag ko ang mga gamit ko at tumayo.
Tumayo din sina Isidor, Tihume, Luei at Andreo. Lumapit kami kay Ma'am.
"The Principal wants to talk to the five of you. She's in her office. Good luck." Sabi ni Ma'am habang nakangisi.
Bakit nakangisi si Ma'am? Weird...
Lumabas na kami sa room.
"Bakit sa Principal's office? Ang layo kaya no'n." Reklamo ng reklamadorang si Tihume."'Wag ka nang magreklamo." Sabi sa kanya ni Andreo. Nanatili kaming tahimik nina Isidor at Luei. Nagtataka rin siguro sila kung bakit kami pinatawag.
Wala naman kaming ginawang masama ah. Wala din naman kaming record sa guidance. At tsaka. Wala din naman kaming bagsak na grade. Bakit kami pinatawag?
Maya-maya pa, nakarating na kami.
"Sinong kakatok?" Tanong ni Tihume.
"Ikaw. Ikaw ang nagtanong eh." Sabi ko.
"Luh, ba't ako? Ikaw dapat. Ikaw nag-react eh." Sabi naman niya.Aba! Ako?
"Ayaw ko. Si Isidor na lang." Sabi ko.
"Ako?" Tanong ni Isidor at tinuro ang sarili at tsaka umiling-iling.
"No, not me. Si Luei." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Compilation of Short Stories and One Shots
SonstigesFeel free to read my one shots and short stories with different genres! Some are based in real life experiences. Some characters are my friends but I used different names. Some attitudes of the characters are based on the people around me. 'Some', n...