KEYBOARD

132 9 1
                                    

Keyboard

Emily's POV

Nagkaklase kami ngayong sa subject na Computer Science sa loob ng Computer Lab and as usual, di ako nakikinig. Boring.

Si Shine nga eh, yung katabi ko, nagwa-wattpad lang. Si Jemma naman, isa pang katabi ko, nakatingin lang kay Sir pero alam ko na hindi siya nakikinig.

Nagt-type lang ako sa keyboard na nasa harap ko ng random words kahit di naka-on ang monitor.

"You may go."- nagtayuan ang mga classmates ko kaya tumayo na rin ako. They rushed to go out kaya di muna ako umalis.

Kinuha ko ang bag ko at isinukbit sa balikat ko.
"Uy girl, ba't di ka pa umaalis?"- tanong ni Shine na nakatayo na at handang umalis.

"Maya lang."- sabi ko at nginuso ang mga kaklase kong nagmamadaling lumabas.

"Una na 'ko."- sabi ni Shine at ngumiti. Ngumiti rin ako at tumango.

"Shine! Sama ako! Bye Emily!"- sabi ni Jemma at humabol kay Shine na nakikipagsiksikan sa mga kaklase ko.

Napansin kong ako na lang mag-isa sa row namin at sa row sa likod ko.

Dumapo ang tingin ko sa keyboard na nasa harap ko kanina at napanganga.

WHAT. THE FUDGE.

IT'S TYPING ON ITS OWN!!!!!

I stiffened on my place. Nakatingin pa rin ako sa keyboard kahit natatakot na ako. Parang hindi ko maialis ang tingin ko.

Nabasa ko pa ang ti-nype niya.
'You will be mine.'
Napatakbo ako sa labas at mabuti na lang wala na ang nga classmates kong sagabal.

Hingal na hingal akong tumigil nang makalayo na ako sa Computer Lab.

What was that? Bakit nagt-type lang 'yon mag-isa? Di naman yun robotic diba?

Laruan siguro. Tama, laruan lang 'yon. Pero hindi talaga eh. Nakita kong ginamit yung keyboard ng teacher bago ako pumasok. May multo ba 'don? Mygosh. Natatakot ako.

Pumunta na ako pabalik sa Homeroom namin. Pumasok ako at umupo sa upuan ko.

Nakita ko si Jemma at Shine na naglalakad papalapit sa 'kin.
"Uy girl. Ba't putlang-putla ka?"- tanong ni Shine at umupo sa upuan sa kaliwa ko.

"Oo nga. Parang nawalan ka ng dugo."- dugtong ni Jemma sa sinabi ni Shine.

"W-wala lang."- sabi ko at pilit na ngumiti. I denied it kahit gusto kong sabihin na nagt-type ang keyboard mag-isa.

They don't look convinced.
"Sure?"
"Yep."

____________________

Compilation of Short Stories and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon