Genevieve, ang babaeng mahilig mag-joke. Palagi niyang pinapatawa ang mga kaibigan niya. Seryoso siya sa pag-aaral niya. At syempre, seryoso siya sa pag-ibig.
Si Timothy, ay isang gwapong lalaki. May girlfriend na siya but no one knows who she is.One day, napag-isipan ni Genevieve na mag-confess sa lalaking gusto niya, si Timothy. This is their convo and this is her... CONFESSION
---
"Hi Tim!"- sabi ni Genevieve nang nakasalubong niya si Tim.
"Pwede ba kitang makausap?"- dugtong ni Genevieve." Uhh, sige Gen. Saan tayo mag-uusap?"- tanong ni Tim.
"Sa lugar na hindi nakikita sa mapa."- sabi ni Genevieve. Tiningnan siya ni Tim gamit ang 'seryoso ka' look.
" Char lang. Dito na lang."- sabi ni Gen.
"Okay.""Ahm, ano kasi, may gusto akong sabihin sayo."- sabi ni Genevieve habang pinaglalaruan ang sariling kamay.
"O-kay?"- naguguluhang tanong ni Tim.
"Tim, gusto kita."
"Huh?"- tanong ni Tim na nabigla sa sinabi ni Genevieve.
"G-gusto kita, Timothy."- sabi ulit ni Genevieve. Tumawa si Timothy dahil akala niya, nagbibiro lang si Genevieve. Tumigil siya sa pagtawa nang mapansin niyang seryoso ito."Kailan pa?"- tanong ni Tim.
"Di ko alam. Basta, isang araw nang makita kita bumibilis ang tibok ng puso ko.""Pinagti-tripan mo ba ako, Gen?"- nagdududang tanong ni Tim.
"H-hindi kita pinagti-tripan."Di naniniwala si Tim Kay Gen kaya inulit niya ang tanong niya.
"Yung totoo, Genevieve. Pinagti-tripan mo ba ako?"
"H-hindi nga-""YUNG TOTOO!"- sigaw ni Timothy kaya nabigla si Gen.
"Hindi nga kita pinagti-tripan, okay?""Di ako naniniwala."- uminit ang ulo ni Gen, at namalayan niya na lang ang sarili niya na nagsasalita na parang machine gun.
BINABASA MO ANG
Compilation of Short Stories and One Shots
RandomFeel free to read my one shots and short stories with different genres! Some are based in real life experiences. Some characters are my friends but I used different names. Some attitudes of the characters are based on the people around me. 'Some', n...