Crush Mo Pala Ako

117 6 0
                                    

Dianne's POV

"May pag-asa pa ba kung susuko ka na. Larawan mo ba'y lulukutin ko na-" Natigil ako sa pagkanta nang may pakialamerong nangialam. Kailan pa ba hindi nakialam ang pakialamero? Kaya nga sila tinawag na pakialamero kasi nangingialam sila diba? Haysh.

"Huwag ka ngang kumanta! Gugunaw ang mundo kapag kakanta ka!" Sabi sa 'kin ng seatmate kong pakialamero na si Zane. Inirapan ko siya at tumayo. Pupunta na lang ako sa mga kaibigan ko.

Nakakainis kasi si Zane! Nangingialam kahit di naman pinapakailaman!

Grabe nabubulol na ako sa pakialam na word. At dahil gusto kong pakialaman ang dila kong walang pakialam, gumawa ako ng walang kwentang pangungusap.

Pinapakialaman ng pakialamerong si Zane ang walang pakialam na si Dianne na hindi naman nangingialam sa taong walang magawa kundi ang mangialam sa buhay ng taong walang pakialam.

Hooh!

Umupo na ako sa upuan na nasa tabi ni Shaina. Kinakausap niya sina Aynah at Neela.

"Oyy! Dianneyyyyy!" Sabi ni Neela.
"Hi Dianne!" Sabi naman ni Aynah.
"Annyeong!" Bati naman ni Shaina. Ngumiti ako sa kanila.

"Naiinis ka naman kay Zane 'no?" Tanong ni Shaina. Yiee! Kilala niya talaga ako. Pero bago pa ako makasagot, sumingit si Neela.

"Syempre! Ano pa ba ang bago?"

"Oy Neela 'di mo man lang binigyan si Dianne ng pagkakataong magsalita." Sabi ni Aynah, ang anghel ng grupo.

"Yes po, sister." Mapang-asar na sabi ni Neela kaya sinamaan siya ng tingin ni Aynah. Tumawa lang kami ni Shaina.

"Dianne!" Napatingin ako kay Ms. President nang tawagin niya ako.

"Yes?" Tanong ko sa kanya.
"Tawag ka ng kasama mo sa club. Andun sa labas." Tumayo ako at lumabas.

"Dianne~" Ngumiti ako kay Maria. Bakla po siya. Di 'yan yung real name niya. Mario real name niya kaya naging Maria.
"Mariaaaa." Sabi ko.

"May meeting ngayon. Andun ba si Zane? Tawagin mo na para sabay tayong pumunta doon." Sabi niya.

Si Zane? Magkapareho kami ng club. Highlight Club. Mga mahihilig magbasa ang nandiyan. At yung madami ring alam. Unfortutanetly, kami lang yung Lightians sa section namin. Lightians tawag sa members ng club.

Labag man sa loob ko, kailangan ko siyang tawagin. Officer kasi kami.

Bumalik muna ako sa loob at dumiretso sa upuan ko.

"Zane, meeting sa club." Sabi ko. Kinuha ko ang notebook na naglalaman ng balance ng club, wallet ng funds sa club at ballpen sa bag ko tsaka pumunta muna kina Shaina, Neela at Aynah.

"Gals, may meeting. Mamaya na lang ulit." Sabi ko sa kanila.

Lumapit naman ako kay Ms. President.

Compilation of Short Stories and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon