Shattered Promises

103 4 2
                                    

Cheska's POV

"CHESKA ADRIANA GRANDE!" Omaygad! Galit na po si Ma'am. Hehe. Kung tinatanong niyo kung ano ang ginawa ko, well kinorrect ko lang naman po siya. Hehe. Mali mali yung grammar eh.

"Isa na lang talaga ipapa-guidance na kita." Oops! Umupo na lang ako. Takot ako ma-guidance 'no. Inirapan ako ng teacher naming bakla at nagturo ulit.

Hays, tagal mag-dismiss. Last subject na namin 'to. Excited ako kasi magd-date kami ng Jagi My Love So Sweet My Dear Sweetie Pie ko! Yieee! Nag-promise siya sa 'kin eh.

"You are dismissed." Sa wakas! Lumabas agad ako at nakita ko ang pinakamamahal ko na naghihintay sa 'kin.

"Nash." Lumingon siya sa 'kin at nginitian ako.

"Cheska." Lumapit ako sa kanya at kiniss siya sa cheeks.

Everyone, meet my boyfriend, Nash Jairus Castillo. Love na love ko nga siya eh!

"Tara na?" Nakangiti kong sabi sa kanya. Yiee! Excited na ako!
"Uhm, Chesca, pwede bang sa susunod na lang? May importante kaming gagawin ng pamilya ko eh. Okay lang ba?"

Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Grabe, excited na ako tapos 'di naman pala matutuloy. Pinaasa niya ako. I'm so disappointed.

"Uy Cheska, sorry. Importante talaga eh. Sa susunod na lang. Promise 'yan." Medyo nabawasan naman ang disappointment na nararamdaman ko.

"Promise mo 'yan ah?" Tanong ko. Ngumiti siya at inakbayan ako.

"Promise na talaga."

---

Hays. Ang hirap ng exam. I'm so stressed! Dagdagan mo pa na napuyat ako kagabi dahil nag-usap pa kami ni Nash through text. Di naman daw kasi matutuloy ang date namin kaya babawi na lang siya. Promise daw.

Pumunta ako sa library at Kumuha ng libro. Umupo ako sa isang upuan at nilagay ang libro sa mesa na nasa harap ko. May exam pa bukas. Nakaka-stress! Mygad!

Binuksan ko ito at nagbasa pero wala talagang pumapasok sa utak ko eh. Mas nangingibabaw ang antok ko.

I rested my head above the table at pinikit ang mga mata ko. I'm really sleepy.

"Ches..."
"Cheska..."
"Cheska gising..."
"Uy, Cheska gising na..."

Nagising na lang ako nang may humalik sa pisngi ko at nang may gumulo sa buhok ko. Minulat ko ang mata ko at nakita si Nash na nakaupo sa gilid ko.

"Ayan, gising ka na." Umayos ako ng upo at inayos ang buhok ko. Mahina siyang natawa at kinuha ang libro na nasa harap ko pa. Binalik niya ito sa shelf. Luh, paano niya nalaman kung saan ko 'yon kinuha?

"Tara na." Kinuha ko na ang bag ko at tumayo. Lumabas na kami.

"Para kang zombie." Sabi ni Nash at tumawa kaya tiningnan ko siya ng masama.

Compilation of Short Stories and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon