Clueless
Rochelle's POV
Aray! Brain freeze!
"Hahaha! Dahan-dahan lang kasi!"- sabi ng mga kaibigan kong walang ginawa kundi pagtawanan ako imbes na tulungan."Mashakeht! Ayan okay na!"- nagtawanan ulit sila sa biglang pagbago ng mood ko. From nakangiwing expression, naging smiley.
"Uy, late na tayo. Tara!"- hinila kaagad ako ni Danica patayo. Mabuti na lang naubos ko na yung ice cream. Tumakbo kami pabalik sa room.
"Rochelle! Danica! Trixy! Kaye!"- tawag ni Mika sa aming apat nang makarating kami sa room.
Ngumiti at kumaway ako sa kanya pero tinarayan lang siya ng tatlo. Luh? Problema ng mga ito?
"Rochelle, may itatanong lang ako sa 'yo."- ngumiti siya ng mapait. Lalapit sana ako sa kanya kaya lang may humawak sa kamay ko.
"Wag kang sumama. Mag-uusap tayo ."- sabi ni Kaye habang hawak ang kamay ko. Bumaling ako kay Mika.
"Ay, baka may pag-uusapan kayo. Wag na lang."- Mika had a sad expression on her face.
"Wait, Mika."- tumigil naman si Mika.
"Sandali lang 'to Kaye."Umirap siya at marahas niyang binitawan ang kamay ko, at padabog na lumapit kina Danica at Trixy. May sinabi si Kaye sa kanila na nakapag-pairap sa dalawa.
"Mika, ano yung itatanong mo?"- lumapit si Mika sa akin at hinila ako palabas.
"Ano ba ang tawag sa feeling na, kung makikita mo siya, napapangiti ka, tapos 'di mo maialis ang tingin mo sa kanya. Yung masaya ka kapag kinakausap ka niya tapos di ka makatingin nang diretso sa mga mata niya?"- tanong niya sa 'kin habang nakatingala at parang nag-iisip pa.
"Crush."- Napatingin naman siya sa akin.
"H-ha?"- kumurap-kurap pa siya at parang hindi pa makapaniwala. OA nito."P-paano mo nasabi? Naramdaman mo na ba ito?"- tanong niya. Dahan-dahan akong tumango at napatakip ako sa tenga nang bigla siyang tumili.
"Sino? Classmate ba natin?"- tanong niya at hinawakan ako sa balikat. FC ah. Charot. Medyo close naman kami eh. Magkalapit upuan namin sa isang subject.
"Actually, nasa ibang curriculum."- napatili ulit siya. Aba kung makatili akala mo siya may crush ah?
BINABASA MO ANG
Compilation of Short Stories and One Shots
RandomFeel free to read my one shots and short stories with different genres! Some are based in real life experiences. Some characters are my friends but I used different names. Some attitudes of the characters are based on the people around me. 'Some', n...