ROSES ARE RED, VIOLETS ARE BLUE...

159 10 3
                                    

'Roses are red, Violets are blue...'

Charmaine's POV

"Uy, Harvey."- tawag ko sa best friend kong kasalukuyang natutulog sa ilalim ng kahoy.

"Harvey, patapos na yung lunchbreak."- I bent down at tinapik-tapik ang pisngi niya. Aishh. Ang init dito. Natulog nga siya sa ilalim ng puno, mainit pa rin. Sinong tao ba naman ang makakatulog sa ilalim ng mainit na lugar?

"Bahala ka. Iiwan kita."- umayos ako ng tayo at tumalikod na. Maglalakad na sana ako paalis nang may biglang humawak sa kaliwang kamay ko. Nilingon ko kung sino at nakita ko si Harvey na nakahawak ang isang kamay niya sa kamay ko at ang isang kamay naman niya ay kinukusot ang mata niya.

My heartbeat immediately increased. Ang cute niya!!! Ohmy. Heart kalma.
"Eto na. Tatayo na."- sabi niya at tumingin sa akin habang kinukusot pa rin ang mata.
"Wag mong kusutin ang mata mo."- sabi ko. Tinigil na man niya.

"Yieee. Concern siyaaaa!"- inirapan ko na lang siya at umiwas ng tingin. Syempre concern ako. Best friend ko siya eh. Parang kumirot ang puso ko nang maisip kong hanggang 'bestfriend' lang kami ni Harvey.

"Psh. Tara na."- binitawan ko ang kamay niya at tumalikod.
"Uy Charmaine. Patulong tumayo."- humarap ako sa kanya at nakita siyang nakataas ang dalawang braso na parang bata na gusto magpakarga. Hinawakan ko ang kamay niya at bumwelo.

Hinila ko siya patayo pero nagulat ako sa ginawa niya. Niyakap niya ako! Mygosh! Bumilis ulit ang tibok ng puso ko. Waaahh!

"H-Harv-"
"Ten seconds lang muna."- hinayaan ko na lang siya. Di ko siya niyakap pabalik. Instead nagbilang ako.

1...

2...

3...

4...

5...

6...

7...

8...

9...

10...

"Harvey, tama na."-sabi ko. Humiwalay naman siya at hinawakan ako sa balikat. Tumingin siya sa mata ko.
"Harvey. Ba't mo 'ko niyakap?"- nginitian niya ako.
"Ang bait mo kasing best friend. "- best friend? Ang sakit ah. Hanggang best friend na lang ba talaga? Wala bang chance na maging more than friends?

Pinilit kong ngumiti kahit medyo naguguluhan ako kung bakit ako nasasaktan.
"Oo na. Tara na."- inalis niya ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko kaya tumalikod na ako at naglakad.

Ba't ba ako nasasaktan? Hindi naman ako nasasaktan dati kung tinatawag niya akong best friend, pero this time bakit ako nasaktan?

"Charmaine beybe!"- nabalik ako sa katinuan nang may umakbay sa akin.
"Philip, ano na naman ang kailangan mo?"- best friend ko rin ang isang 'to.
"Wala lang"

Compilation of Short Stories and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon