Iwas Pa More!

99 6 0
                                    

O's POV
(A/N: 'OW' po ang pronunciation ng name niya. O is a male.)

Naglalakad ako ngayon sa hallway nang makita ko siya na nagtatawanan kasama ng mga kaibigan niya kaya ayun, nag-U Turn ako.

F***! Ba't ba palagi ko siyang nakakasalubong?

Kahit malayo ang dadaanan ko kapag nag-U Turn ako, okay lang. Basta maiwasan ko siya.

Kung tinatanong niyo kung sino siya, she is Mika Santiago. Ang gusto ko. The reason kung bakit umiiwas ako sa kanya, is because I'm shy.

Nakarating na ako sa library. Nag-log in muna ako tapos pumunta ako sa bookshelf at kumuha ng Science book.

Nang may nakuha na ako, umupo ako sa upuan at nilagay ang libro at ang dala kong notebook at ballpen sa mahabang mesa sa harap ko at binuksan ang libro. Daming 'at' ah.

Magco-copy ako ng notes dito. Kulang yung na-jot down ko kanina eh.

Nagsimula na akong magsulat. Maya-maya, may narinig akong bulungan. Narinig ko kasi tahimik dito sa library. Tumingin ako sa nagbubulungan. Nasa may pinto sila ng library kung saan ka maglo-log in. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino.

"Ikaw muna mag-log in." Sabi ng isang kaibigan ni Mika at tinulak ang isa pa niyang kaibigan.
"Hala. Ba't ako?"
"Basta ikaw na lang."

Nagtutulakan silang dalawa nang biglang dumating ang taong ine-expect ko. Kung saan kasi ang dalawa niyang kaibigan, nandun rin siya, si Mika.

"Si Mika na lang." Kinuha nang isa ang ballpen at binigay kay Mika.
"Huh?" Tanong ni Mika.
"Ikaw na ang maunang maglog-in." Napailing-iling na lang si Mika habang kinukuha ang ballpen sa kaibigan niya.

Sumulat na siya at tiningnan ang buong listahan. Napatingin siya sa isang bahagi at parang natigilan tapos kumunot pa ang noo niya.

Ipinasa na niya sa mga kaibigan niya ang ballpen. Nilibot niya ang tingin sa buong library at nang magtama ang paningin namin, agad akong umiwas ng tingin at nagpatuloy sa pagsusulat kahit di ako makapag-concentrate dahil sa presensya ni Mika.

I glanced at them at nakita ko silang pumunta sa bookshelf na kinunan ko ng Science book. Nakikita ko sila kasi maliit lang ang library namin.

Binalik ko ang atensyon ko sa pagsusulat ngunit napatigil ako nang may humila sa upuan malapit sa 'kin. Tiningnan ko kung sino.

F***! Si Mika! She's one seat away from me. Umupo sa harap niya ang dalawa pa niyang kaibigan at nagsimula na silang magbasa ng Science book kagaya ng hawak ko.

Sumulat ako ulit at mas binilisan ko pa ang pagsusulat. Tapos, tumayo ako dala ang libro, notebook, at ballpen. Dali-dali kong binalik ang libro at lumabas na.

Nakahinga ako ng maluwag paglabas ko. Ang bilis ng heartbeat ko...

Mika's POV
"Mauna na kayo sa library. Susunod ako. Kukunin ko lang ang cellphone ko kay Sun." Sabi ko sa dalawa kong kaibigan.

Compilation of Short Stories and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon