TOMORROW

132 8 3
                                    

Tomorrow

A/N: Hi guys! Gagawa lang ako ng a very little introduction about sa oneshot na ito.

Si Althea, ang babaeng nagpauso ng line na 'Live life to the fullest' sa kanilang classroom pero siya, she doesn't live her life to the fullest.

Palagi siyang umaasa sa bukas. Lahat ng galaw, bukas. Lahat ng desisyon, bukas. Puro bukas na lang!

What if one day, she'll know na wala nang bukas sa buhay niya? What will she do? Who will she spend her last day with?

_______________________


Althea's POV

"Uy Thea! Kailan mo dadalhin ang materials? Sabi mo ngayon mo dadalhin eh."

"Bukas na lang."- pinagpatuloy ko ang paglalaro ng Virtual Families 2 at hindi pinansin ang leader ko.

Grabe siya kung makahanap ng materials, sa susunod pa naman yung deadline. Tsaka, may bukas naman eh.

"Thea!"- aish! Ano na naman!? Tumigil ako sa paglalaro at tiningnan ang tumawag sa 'kin.

"Bakit Rude?"- tanong ko kay Rude. Bagay yung ugali niya sa name niya.

"Wala. Ang sabi ko Live life to the fullest."

"Psh. Ako naman nagpauso niyan eh."- tumalikod siya nung nag 'Psh' ako. Bastos. Di niya 'ko pinatapos magsalita.

Pinatay ko ang phone ko at tinago sa bulsa.
"Class! No class this afternoon!"- sigaw ni Mr. Mayor. Naghiyawan ang kami.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas.
"Uy Thea, si Ano oh! Yung crush mo nq crush ka rin! Kausapin mo!"- sabi ng isa kong kaklase habang hawak ang braso ng sinasabi niyang 'crush' ko raw na 'crush' rin ako.

Ngumiti lang ako at sinabing,
"Bukas lang."

Umalis ako at naghintay ng masasakyan.

Umupo ako sa isang waiting shed habang naghihintay.

Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla itong sumakit.

I took deep breaths at sinuntok-suntok ng mahina ang dibdib ko kaya lang mas sumakit pa.

"Argh!"- napahawak ako sa inuupuan ko at pilit na iniinda ang sakit.

Compilation of Short Stories and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon