SAYANG!

48 9 0
                                    

"Uy, bro, 'yan 'yong sinasabi naming maganda. Tingnan mo oh." Sabi ni James sabay turo sa babaeng papasok ng cafeteria.

Napatingin naman ako sa babae at shit, oo nga. Ang ganda niya. Wala siyang make up at naka-pony tail ang buhok niya. Simpleng ayos lang kumbaga. Palinga-linga siya na parang may hinahanap.

Tumigil ang mga mata niya sa isang table kaya sabay kaming napatingin ng mga barkada ko sa tiningnan niya.

Sa isang lamesa 'di kalayuan sa'min, may dalawang babae na nag-uusap. Kasama niya siguro.

Binalik ko ang tingin sa babae at nakitang nakangiti siya. Sht. Diyosa. Crush ko na yata siya.

Pumunta siya sa mga babaeng nasa table at nag-usap nila.

Napatingin ako sa barkada ko nang mapansin kong natahimik sila. Nakatingin silang lahat sa babaeng 'yon kaya kinuha ko ang atensyon nila.

"Hoy, mga mata niyo." Suway ko sa kanila. Napatingin naman sila sa'kin.

"KJ mo, bro." Saad ni Lawrence.

Napailing na lang ako.

---

Dumaan ang ilang buwan, nakilala ko 'yong babae. Kristine ang pangalan niya. Pati pangalan maganda.

Kilala ko siya pero siya, hindi niya ako kilala.

Isang araw, nakita siya namin ng barkada ko na mag-isang nakaupo sa bench malapit sa faculty room. Nakatalikod siya sa amin kaya hindi niya kami napansin.

"Charles, pagkakataon mo na 'yan." Sabi ni James at tinulak ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaas niya lang ang kamao niya kaya napabuntong hininga ako.

Tama nga siya, pagkakataon ko na 'to.

Huminga ako ng malalim at tumingin kay Kristine.

"Kaya mo 'yan, Charles." Sarkastikong sabi ni Lawrence kaya nabatukan siya ni James.

"Bobo, wala ka talagang suporta." Nang-aasar na sabi ni James. Napailing na lang ako at naglakad papalapit kay Kristine.

"'Yun oh!" Sigaw ni Lawrence kaya napalingon si Kristine sa'min. Narinig ko pa ang pagsuway sa kaniya ni James.

Napatingin sa akin si Kristine at kumunot ang noo niya. Shit. Diyosa pa rin.

Nginitian ko siya at umupo sa tabi niya. Shit shit shit. Kinakabahan ako. Parang gustong kumawala ng puso ko mula sa ribcage ko sa sobrang lakas ng pintig.

"U-uhm. Hi, Kristine. Ako nga pala si Charles." Pagpapakilala ko sa kaniya at nilahad ang kamay ko. Tinanggap niya ito pero nakakunot pa rin ang noo niya. Ang lambot ng kamay niya.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong niya nang binitawan ko na ang kamay niya.

"A-Ah," shit mag-isip ka ng sagot Charles, "k-kilala ka ng halos lahat ng lalaki dito." Nasabi ko na lang.

Tumango-tango siya.

"Ah, Kristine. Ngayon mo pa lang siguro ako nakilala"

"Matagal na kitang kilala." Putol niya sa sinasabi ko. Lihim akong napangiti dahil doon. Matagal na pala niya akong kilala. Edi, wala ng problema.

"Ah, ganun pala. Ano.. bakit ka mag-isa?" Tanong ko sa kaniya.

"Nagmahal kasi ako ng maling tao. Kaya ayun, nagmumukmok ako ngayon." Sagot naman niya. Bakas ang kalungkutan sa maganda niyang mukha.

"Kapag nagmamahal ka kasi, siguraduhin mo muna kung worth it ba 'yong taong aalayan mo ng pagmamahal mo. Siguraduhin mo muna na siya ang tamang tao bago ka sumugal sa pag-ibig. Dahil kung magpapadalos-dalos ka, maiiwan kang luhaan." Advice ko sa kaniya. Ilang segundo kaming natahimik.

"Ah, Kristen, alam kong broken ka, pero... kung okay lang, Pwede bang manligaw?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tinanong sa kaniya 'yon.

Gulat siyang napatingin sa'kin. May mali ba sa sinabi ko? Teka, parang minamadali ko naman siya eh. Ah basta, hihintayin ko na lang ang sagot niya.

"Actually, ayaw ko." Sagot niya.

"Huh?"

"Sorry ah. Bago ka manligaw, siguraduhin mo muna na totoong babae ang liligawan mo." Nagulat ako sa sinabi niya. A-Anong ibig sabihin niya?

"T-Tomboy ka!?" Gulat kong tanong. Tipid siyang ngumiti at tumango.

"Pasensya na 'tol ah. 'Di tayo talo. Sige, mauna na 'ko." Tinapik niya ang balikat ko. Tumayo siya at iniwan akong gulat na gulat at nakanganga.

SHIT! SAYANG!


A/N:
Waaaah!!! Ang bad ko!!! Maraming bad words!!! Hehe. Thank you for reading!

Compilation of Short Stories and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon