Alliyah's Betrayal

111 9 1
                                    

"Doon ka nga!" Tinulak ng isang estudyante si Alliyah papalayo.

Alliyah fell on the floor at inirapan siya ng taong tumulak sa kanya. Napayuko siya at tumayo. Kinuha niya ang mga gamit niyang nalaglag.

She was just walking peacefully pero bigla siyang tinulak ng isang estudyante.

'Di bale, sanay naman ako eh.' Sabi niya sa kanyang isip.

Alliyah is always bullied. Di na siya nanlalaban kasi alam niyang mas lalong lalala ang pambu-bully sa kanya. She chose to keep her feelings to herself. Wala siyang kaibigan na mapagsabihan ng problema niya. She's a loner, kumbaga.

Inayos niya ang glasses niya at nakayukong umalis.

Her name is Alliyah Corinne Crisalvan. An eighteen year old girl. She's smart and kind. Pero kahit mabait siya, she's always bullied. It's because of her physical appearance.

Big eyeglasses, messy hair, dry lips, braces. Makinis naman ang mukha niya at maputi siya but she's still bullied. And the bad thing is, the teachers doesn't know anything about it!

Pumasok na siya sa classroom nila at umupo sa upuan niya sa harap. Sa harap siya nakaupo para kahit papaano ay mabawasan ang pambubully sa kanya. Nilagay niya ang bag niya sa sahig sa tabi niya. Wala namang kukuha roon dahil dingding ang sa right side niya at ang sa left side naman ay nerd katulad niya.

"Good morning class."
"Good morning Sir Cañales."

She bent down para makuha ang notebook niya sa bag. She always jot down notes. Pag-upo niya, batok kaagad ang natanggap niya.

"Aray." Mahinang daing niya. Hinawakan niya ang parte kung saan siya nabatukan at mahina itong minasahe. Nakarinig siya ng mahinang tawa sa likod niya, na sa tingin niya ay mula sa taong bumatok sa kanya.

'I shouldn't look back. Baka isipin nilang lalaban ko sila.' Sa isip ni Alliyah. She doesn't bother kung saktan siya. Ang importante, di siya makapanakit ng iba.

--

Kakatapos lang ng last subject nila sa buong araw. Lumabas si Aliyah sa classroom at nagmamadaling pumunta sa gate.

Pagdating niya sa gate, nakita niya ang pinakamamahal niyang best friend.

"Aliyah!" Sabi ni Ryko. Tipid na ngumiti si Alliyah.
"Tara na." Sabi ni Alliyah at nagsimula nang maglakad. Sumabay si Ryko sa kanya sa paglalakad patungo sa sakayan.

Sabay silang umuuwi, tutal magkalapit lang ang bahay nila.

Sumakay na sila sa jeep at nag-usap.
"Lliyah, binu-bully ka pa ba nila?" Tanong ni Ryko. Ganyan palagi ang unang topic nila. Tungkol sa mga bully ni Alliyah.

Ngumiti si Alliyah at mahinang sumagot.
"Oo." Natahimik silang dalawa. Sila lang naman ang pasahero sa jeep.

Maya-maya, nakarating na sila sa kanto malapit sa bahay nila. Nagbayad na sila at bumaba sa jeep.

Tahimik silang naglakad at hanggang sa makarating sila sa bahay nila, di pa rin sila umiimik.

Pumasok si Alliyah sa kwarto niya.
'Anyare kay Ryko?' Sa isip ni Alliyah. Di siya sanay na tahimik si Ryko. Si Ryko kasi palagi ang nagch-change topic kaya di siya sanay kanina kasi natahimik si Ryko.

'Something is bothering him.'

Pagpasok ni Ryko sa kanyang kwarto, agad niyang tinapon ang bag niya sa kung saan at ibinagsak ang sarili sa kama.

Compilation of Short Stories and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon